"Nakakapagtaka ba?" mapait na tanong ni Ethan sa kanya. Nakangisi ito nang nakakaloko. And God. Kahit ang ngisi nito ay nakakasakit sa kanya dahil sa pait na naroroon. Pilit niyang itinago ang nararamdaman. Hindi dapat na makita nito ang sakit sa loob niya. Taas noo niya itong binalingan. "Whatever you say won't hurt me anymore, Ethan. I used to it by now," she said. And it was a lie. Hindi niya kayang pakisamahan ang sakit ng mga salitang binibitawan nito. He just tsked. Hindi nagsalita at uminom lang sa goblet na hawak nito. Inilapag niya ang wine glass na hawak niya. Binasa niya ang labi bago iniharap dito ang kalahati ng katawan niya. Pinagmasdan niyang mabuti si Ethan. Napakaguwapo pa rin nito kahit na mukhang miserable. Iniangat niya ang kamay at pinagapang sa braso nito

