"Business is doing good?" her mom asked her. Nagulat si Kassandra nang makita ang ina. Saglit na hindi siya nakapagsalita. Ilang buwan na ang nakakalipas simula ng putulin ng daddy niya ang sustento na nakukuha niya sa mga ito. Tumundig siya ng maayos at malamig na tinitigan ang ina. Nawala naman ang ngiti sa mga labi nito nang mapansin nito na hindi niya ibinabalik ang pagbati nito. Lumapit pa rin naman ang ina sa kanya ay bineso siya kahit pa matabang ang pakikitungo niya rito. "How are you, hija?" masuyong tanong ng mommy niya na hinaplos pa ang kanyang pisngi pababa sa kanyang braso. Pasimple niyang inalis ang kamay nito at naglakad patungo sa bar. Ang sala ay ginawa na niyang showroom habang ang library naman sa ibaba ay kanyang opisina. Mas okay ang ganito dahil hindi

