Charito's POV KINABUKASAN maaga siyang nagising kumuha siya ng fresh milk sa ref sa loob ng mansion g mga De'Marco palihim niya iyong ipinuslit papunta sa barracks nila. Ginamit niya iyong panghilamos para kahit papaano ay mabawasan ang stress sa balat niya. Kumuha rin lang siya ng isang wheat bread. Nagtagal siya sa banyo na karaniwang hindi namn niya ginagawa. Binuksan niya rin ang isa sa mga imported na sabon na ibinigay sa kanya ni Honoracio ng minsang sumama ito sa Mommy nito na magpunta sa france. Maging ang pabango na rigalo rin ng binata sa kanya. Hindi niya pa iyon ginagamit dahil nanghihinayang siya ng malaman ang presyo non. Pero ngayon kinakailangan niya iyon. "Kay bago mo, apo, yan ba yung binigay ni Honoracio sa 'yo?" bati ng lola niya sa kanya ng pumasok siya sa kusin apar

