"What now? You're running your mess again?" sikmat nito sa kanya nag-aalab ang mga mata. "Dito ka magaling di ba? Takbuhan ang mga nagawa mong kasalanan? What? Pupuntahan mo uli ang daddy mo para utusan na naman akong ligpitin ang kalat--" "This is not only my trash, Ethan," maanghang na tugon niya sa asawa sinalubong niya ang mga mata nito. Hindi niya hahayaan na mas lalo siya nitong ilubog. "Baka nakakalimutan mo na ikaw ang dahilan ng lahat ng masasamang nagagawa ko. Ikaw, Ethan, ikaw ang nagtutulak sa akin to be my worst!" Malakas na binawi niya ang kamay saka nagmamadaling bumaba. sumakay siya sa kotse niya at pasibat na pinatakbo ang kotse niya. Wala siyang pakialam kung nagagalit sa kanya ang mga kasabay niya motorista. Kung may mga bumubusina at nagmumura na sa kanya. Mabilis ang

