- MINA - MALAMIG na tiles ang kinahihigaan niya. Masakit at parang binibiyak ang kanyang ulo. Marahan siyang bumangon at inilibot ang paningin sa paligid. Nasa loob siya ng isang banyo. Napapikit siya at napahawak sa sentido niya ng bigla na naman sumigid ang kirot. Pilit niyang inalala kung nasaan siya. May ipinadalang box si Krisstoff. Excited siyang nag ayos at sumama sa driver pahatid sa isang bulwagan. May kausap siya hanggang sa labas si Kristoff na galit sa kanya. Isinama siya nito sa bulwagan. May mga kausap si Kristoff hanggang sa magpaalam siyang pupunta sa restroom... Nakita ni si Elizabeth... At umagos ang mga luha niya ng maalala ang mga sinabi nito. Napatakip siya sa bibig niya para pigilin ang mas malakas pang paghagulgol. Bumalot ang sakit sa puso niya at parang may k

