It's Sunday kaya naisipan ni Owen na dalawin si Francis. Matagal-tagal na din silang hindi nagkikita at nagkakausap ng kaibigan. Nalaman ni Owen na nasa Isla ang kaibigan kaya nagpahatid siya doon sa kanyang piloto. Nang marating niya ang Isla ay agad siyang hinatid ng staff ng kaibigan sa may house boat ni Francis. Napanganga na lang si Owen nang makita kung gaano ito kagarbo at kaganda. "Wow, congratulations. Ngayon ko lang nalaman na nagpagawa ka naman uli ng isa pang house boat," bungad na bati niya sa kaibigan. "Mabuti't naisipan mong mamasyal," sabi ni Francis, at nagkipag-handshake sa kanya. Pagkatapos niyon ay sinabihan ang kanyang staff na dalhan sila ng pulutan. "Wait, iinom tayo?" gulat na tanong ni Owen kay Francis. "It's only nine in the morning, masyado pang maaga p

