Kahit ayaw man ni Francis sa gustong mangyari ni Lily ay napilitan narin siyang pagbigyan ang hiling nito na wag muna silang magsama sa iisang bubong, pero syempre hindi pwedeng basta nalang siya pumayag ng walang naisip na paraan para bagohin ito, ang katunayan ay nakipagtawaran siya sa dalaga, sinabi niya dito na papayag at hahayaan niya ito sa nais nitong mangyari, maging ang pagbalik niya bilang doktor at director ng St Michael Hospital ay gagawin niya basta ang usapang ay magtatagal lamang sa loob ng dalawang linggo, pagkatapos ng dalawang linggo siya naman ang susundin ni Lily Nakangiti siyang kinatok ang pinto ng dalaga, may dala siyang agahan nila ni Lily na niluto niya mismo kanina-kanina lang It's been a week na magkasabay silang mag umagahan, tanghalian at maghaponan n

