Chapter 49

1116 Words

Pagkatapos ng ilang linggong pagpapakalasing, akala ni Gwendolyn ay natauhan na din ang kapatid na si Francis. Naisip niya na siguro unti-unti na nitong natatanggap na talagang wala sa buhay nito si Lilly. Tumigil na kasi ito sa kakainum ng alak.. Natutulog at bumabangon na ito ng maaga. Magana na din itong kumakain. Kaya nagpasya siyang iwan muna ito, at bumalik sa Manila kasama ng asawa. Ngunit hindi pa siya nakakadalawang linggo sa Manila ay nabalitaan niya naman sa secretary nitong si Verna na nagbalik na naman ang kapatid sa pagpapakalunod sa alak. At dahil labis siyang nababaahala sa kapatid, nagpasiya siyang bumalik ng Isla kahit labag sa loob ni Howell ang kanyang pag-alis ay ginawa niya. Kailangan niyang bumalik sa may Isla ng kapatid. Kailangan niyang damayan ang kanyang Kuya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD