LILLY POV I let out a long deep sigh as I hugged my self. Alam kong may mga bagay na dapat akong malaman tungkol kay Francis, mga bagay na maaring magbigay sa akin ng alinlangan at pagdududa, mga bagay na maaring makasagot sa aking katanungan kung ako ba talagang mahal niya o ginagamit niya lamang. At ngayon na alam ko na ang lahat, halos madurog ang aking puso, at ang lahat ng paniniwala ko ay unting-unting naglaho. Sabagay kasalanan ko din, I've let him invade my system. Hiniyaan ko siyang maghari sa aking buong pagkatao kaya kung nasasaktan man ako ngayon ay tanging ako ang may sala. Huminga ako uli ng malalim, pilit na pinapanatag ang aking sarili at winawaksi ang lahat ng sakit na aking naramdaman. Napatanong ako saglit sa aking sarili kung kaya ko pa bang pagkatiwalaan muli si Fr

