Kabanata 30 "Hands off" I woke up to another day. Matagal akong nanatiling nakahiga bago bumangon. Parang ayoko ng bumangon at manatili na lang dito. It's that heavy burden on my shoulder again. Lumabas ako ng kuwarto at pinuntahan si Mapsy para gisingin. Mamimitas kami ngayon sa taniman. She loves doing that. Tumabi ako sa kama niya. Pupungas-pungas pa siya nang gisingin ko. "Mama good morning!" Niyakap niya ako. Dahil sa bigat niya napahiga na ako. She showered my face with her kisses. I laughed. "Hurry up now, Mapsy, kukuha tayo ng gulay." "Okay! Okay!" Tumayo siya at nagtatalon sa kama. Ang taas agad ng enerhiya niya. I prepared her clothes while she took a bath. Paglabas niya ng banyo, sinalubong ko pa at binalot ng tuwalya dahil tumutulo ang tubig sa katawan niya. "I am gon

