Kabanata 18 "Lie" Paano ako makakakain nang maayos kung sa bawat sulyap ko, nahuhuli kong nakatitig sa akin si Zederick Patriarca? Para niya akong kinikilatis at binabantayan ang bawat galaw ko. Nakakaramdaman tuloy ako ng iritasyon sa kanya. Alam naman siguro niyang hindi mabuting manitig ng tao. You make them conscious, at baka isipin pang may galit ka sa kanya. Iyon nga lang mukhang wala naman yata siyang pakialam. He was just casually responding sa lahat ng mga tanong sa kanya. Binaba ko ang baso pagkatapos uminom ng tubig. Nakaubos na ako ng isang baso samantalang hindi pa nangangalahati ang pagkain sa pinggan ko. “May kaibigan akong nakapagsabi sa lugar na ito. While on my way here, napansin kong maganda nga ang lugar. Are you sure you won’t sell this land or even a part of this?

