Kabanata 26 "Heal" He drop us off sa nayon kung saan nakatira ang mga tauhang magsasaka. Dahil sa putik at dulas ng daan inabot kami ng kalahating oras. Nauna siyang bumaba ng kotse, sumunod naman agad ako. Binitbit ko ang padalang brownies ni Lola. Paglabas ko, nakita kong pinagbuksan ni Zede si Mapsy ng pinto. "We're here!" malakas na sabi nito. "Mapsy huwag kang tumakbo. Mapuputikan ka," paalala ko. Zede closed the door. "Salamat sa paghatid," sabi ko. Nakasunod ang mga mata ko kay Mapsy na bagamat hindi tumatakbo mabilis naman ang lakad papunta sa bahay nila Jaja. "Susunduin ko kayo," ani Zede. Kinunotan ko siya ng noo. "Hindi na kailangan." Mataman niya akong tinitigan. "At least get my number in case..." Mas lalong kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Hindi na. Maraming p

