Kabanata 38 "Decide" Umalis si Zede pagkatapos nun. Nagpaalam siya sa akin. Kakausapin niya raw ang papa niya. I was surprised when he told me that he is stepping down from his post sa Patriarch. Iyon daw ang inaasikaso niya nang nagdaang mga araw. All I can do is nod. I can't find anything to say. I still stand that he has to go back to his family, pero gaya nga ng sabi niya hindi ko siya mauutusan. Hindi siya sumusunod sa ayaw niya, so I let him be. Dapat magbi-bake ako, pero ito at natulala na lang ako sa harap nang hindi pa nagagalaw na mga ingredients. Mag-isa lang ako rito sa kusina. Tahimik ang Casa ngayon. Wala si Inka lumuwas para gumala kasama ng mga kaklase niya. Sila Lolo at Lola nasa asusasyon ng mga farmers. Si Zenaida baka nasa paligid lang. Napakurap-kurap ako nang mak

