Kabanata 29 Hindi naman na sumakit ang ngipin ni Mapsy. Bukas din ay tutulak kami sa dentista para ipa-check ang ngipin niya. Mas lalo siyang naging clingy at ayaw nang humiwalay sa akin. Wala rin siyang ganang maglilikot. Sa hapon dumating ang isang team, ang team na pinapunta rito ni Zederick para sa paglalatag ng plano sa gagawing pagbabago rito sa Casa. Dumating din ang kaibigang Agricultural Engineer ni Ziggy para sumama sa planning. Pinapunta siya ni Ziggy. Nasa library sila ngayon at nag-uusap sa initial na gagawin bukas. Kailangan pa kasing tingnan ng team ang buong lugar at marami pang konsiderasyon para sa pagpa-plano. Zederick assured that he got a quality and reliable people. Although, wala namang duda iyon. Tiwala sila Lolo at Ziggy sa kakayahan niya kaya nga ipinagkatiwal

