Kabanata 9 "Pity" Sa tuwing tatapak ako sa mansyon ng mga Patriarca, ang hirap huminga. Pakiramdam ko nakapagitna ako sa makakapal na pader. We will stay here for a week dahil request ni Madam. She wants to be with Zede. Of course, Zede consulted me kung ayos lang ba sa akin. I said, ‘yes’. Alam din ni Madam na semestral break na namin kaya wala talagang rason para tumanggi sa imbetasyon niya. So here we are. Tinanggap ng mga katulong ang dalang bag ni Zede. Nandoon ang mga damit ko. Nauna na itong dinala sa itaas, sa kuwarto niya. “Good morning po,” bati ng mga sumalubog na katulong. Tumango si Zede samantalang tipid lang akong ngumiti. “Nasaan si Mama at Papa?” “Ang Mama po ninyo nasa hardin at si Sir naman ay nasa library,” sagot ng isa sa kanila. “Ipapasabi po bang dumating na k

