Kabanata 34 "Position" "Pumasok na tayo giniginaw na ako," marahan kong sabi. Binaba niya ang kamay niya at hinuli ang palapulsuhan ko. Sabay kaming pumasok ng bahay, parehong basa. Hindi ko na inisip na mababasa ang sahig, diretso kami sa kuwarto niya. Mabuti na lang mukhang hindi naman nila napansin. Malamang kanina pa sila mahimbing na natutulog. I was about to turn my back and head to the door ng hawakan niya ang kamay ko. Napabaling ako sa kanya. "Don't go," aniya. Tumutulo pa rin ang tubig sa damit niya. Hindi pa siya nagbibihis. Napakurap ako. "Kailangan kong magpalit ng damit." "Use mine," agap niya. "Zede," "I need you," he said straight to my eyes. Umigting ang panga niya. His eyes look so weary and dark. Bumuntong-hininga ako. "Magpalit ka na ng damit." Tinitigan ni

