Kabanata 3

3675 Words
Kabanata 3 “Tiya” “Do you really have to bring that woman here, Zederick? You know this is a big party!” I bit my lower lip as I listened to Madam Precila’s harsh words. Alam ko namang ganito nga ang mangyayari pero masakit pa ring marinig. Nagbaba na lang ako ng tingin. Madam is eyeing me as if she’ll spit fire any moment now. “Anselah is my wife, Ma. I hope you remember that. Kung ayaw mong nandito siya then we better leave. I respect you, but I can’t let you speak ill to my wife.” “Dahil talaga sa babaeng ‘yan nagagawa mo na akong sagut-sagutin. I can’t believe this!” Sinapo ni Madam ang kanyang noo. “You don’t get it, Ma. All I am saying is, stop being harsh to Anselah.” Bumaling si Zede sa akin at hinawakan ang kamay kong nanlalamig. “We’ll go now.” “No! You can’t miss the party, hijo,” nagpa-panic na sabi ni Madam. “Fine, she can join the party… but please don’t inform the guests that you’re married. Ano na lang ang sasabihin nila?” I swallowed the lump on my throat. Parang may kamay ang pumiga sa puso ko. Kumunot ang noo ni Zede. “Ma can you hear yourself? What’s the guests got to do with my life?” Hinawakan ko ang braso ni Zede. “Zede ayos lang. Pagbigyan mo na si Madam.” Mas lalong nagsalubong ang kilay niya. Hindi niya nagustohan ang sinabi ko. But if it will calm his mother down, wala namang masama. I can even go just so this won’t escalate to another fight. “See? She agrees… May hiya ka rin naman pala,” ani Madam. Lumapit sa amin si Zenaida na may nagtatakang tingin. Nagulat pa ako nang niyakap niya ako. Mabilis din niya akong binitawan. “You look lovely,” aniya. “T-thank you.” She smiled at me then turned to her stepmother. “Are you terrorizing these two again? Ma hindi ka ba napapagod?” Mahina akong napasinghap sa kapangahasan ni Zenaida. I can’t believe how can she easily speak that way. I can clearly see her strong personality. I silently wished I am like her, but the thing is I am not wired that way. Hindi kailan man ako magiging kasing tapang niya. Also, I don’t want to disrespect Zede’s mother. Mataas ang respeto ko sa kanya. “Zenaida you’re out of this.” Masama siyang tiningnan ni Madam. “Yeah, because I am not your daughter? Well… thank goodness! I would probably regret being born in this world kung kasing mapanghusga mo ang nagsilang sa akin.” Namilog ang mga mata. “I wouldn’t want to have a child like you either!” galit na galit si Madam. Sarkastikong tumawa si Zenaida. Hindi man lang siya na-apektohan. Hindi ko kinakaya ang sagutan nila. “Zede awatin mo sila,” bulong ko. “I can’t do that. No one can stop them.” “I don’t know how my brothers can tolerate your rotten attitude as well as my father,” Zenaida fired. “Zenaida!” Mabilis na pumagitna sa kanila si Sir Venancio. “Stop it, you two.” “Whatever.” Zenaida rolled her eyes and turned her back. “Your daughter will be the death of me Venancio,” madamdaming sumbong ni Madam sa asawa. “What’s going on here?” Sir asked. Sa akin siya nakatingin na para bang alam niya na ako ang puno’t-dulo ng nangyari. “Nothing, Pa,” sagot ni Zede. Hinila na ako ni Zede pabalik ng bulwagan. I am overwhelmed seeing a lot of people in extravagant dresses and suits. Agad na may lumapit para kausapin si Zede. Isang lalaking na sa tantya ko nasa late fifties na. Malawak ang kanyang ngiti. “Kumusta, Zederick?” “Maayos po, Tito.” Tumango siya at binaling sa akin ang tingin. “And who is this beautiful lady on your side?” “This is Anselah, my wife…” Zede turned a bit to me. “Wife, this is Tito Miguel.” The man frowned. “Good evening po,” bati ko. “You got married? When? Bakit hindi ko man lang alam?” He looked at Zede with a puzzled expression. “It was a sudden wedding, Tito.” “I bet your parents did not know.” “Opo.” “Bakit? Hindi sila sang-ayon?” tumawa pa siya. Tiningnan niya ako at ngumiti. “Why not accept such beautiful lady?” Hindi ako komportable sa papuri niya pero ngumiti pa rin ako. Isang babaeng kasing edad niya rin ang tumabi sa kanya. She got a clean cut at halatang kinulayan na ang buhok para ikubli ang mga puting buhok. Suot niya ang isang itim na longsleeve dress na gawa sa detalyadong lace. “Andito ka lang pala. I have been looking for you.” Tiningnan ako ng ginang na may pagtataka sa kanyang mga mata. “Honey this is Anselah, asawa ni Zederick.” “Oh? Kasal ka na, hijo? Kailan pa?” “Just two weeks ago po, Tita.” “Well, congratulations. Mukhang hindi nasunod ang gusto ng Mama mo.” She turned to me and smile. “You look familiar to me, have we met before?” “I am not sure, Maam.” Umiling siya at tumawa. “Nevermind. It’s just that you look like someone I knew, by the way I am Analiza.” “It’s nice to meet you po, Maam.” Kumunot ang noo niya pero agad din naman siyang ngumiti. “Tawagin mo na akong, Tita. Ma’am is too formal.” Nakagat ko ang labi ko. I don’t know how to react sa maganda niyang pakikitungo sa akin. Or maybe I didn’t expect such treatment? Sa isip ko kasi nakatatak nang gaya ng mga magulang ni Zede, ayaw din sa akin ng mga taong nakapalibot sa kanila. Nagpaalam ang mag-asawa sa amin. Ilan pa ang lumapit at nakipag-kumustahan. Sa lahat ng nakausap ni Zede pinakilala niya ako bilang asawa niya. I wasn’t comfortable lalo na sa mga tila hindi ako nagustohan. Some just don’t seem to care. Mayroon ding nagulat. Nang nagbigay nang hudyat ng pagsisimula ng party, huminto na ang mga usapan at nag-settle na ang mga tao sa mga upuan. Dinala ako ni Zede sa unahan dahil doon daw kami uupo. Kinakabahan na naman ako dahil kasama namin ang mga magulang niya. Isang lalaking host ang nag-lead ng program. The event is very formal. After the opening part, nagkaroon ng video presentation bilang tribute sa mag-asawa, Bettina and Zederico. Nagkaroon din ng parang exchange of vows ng dalawa. Dumating ang dinner. It’s a seven-course meal. Everything was served, well plated and in small servings. I can’t help but think na masyadong malaki ang mga plato para sa laman ng mga ‘to. Masarap ang pagkain pero dahil hindi ako komportable sa presensya ng pamilya ni Zede hindi ko magawang i-enjoy. Kahit sa paglunok nako-conscious ako. Nasa pang-huling course na. Dumating ang mga waiter para ilapag ang dessert sa mga lamesa. Panna cotta ang dala nila. It’s what the server said. Hindi ko alam ano ‘yon. I just see a white jelly-looking slice, on top of it are strawberry and blueberry. A red syrup was splashed as well. Bigla na lang napatid ang waiter. Natapon sa akin ang laman ng tray niya, dumikit sa suot ko at dumausdos. It’s all over my dress now. Napatayo si Zede at sinubukang punasan ang suot ko kahit imposibleng nang masalba pa. Hindi ako nakagalaw dala ng gulat ko. Nakakuha na ng atensyon ang nangyari sa akin. Nakita ko ang pag-irap ni Bettina. Mukhang naiinis siya sa nangyayari. Sir Venancio shook his head in disappointment. “Maam pasensya na po. Sorry po talaga,” tuloy-tuloy ang paghingi ng paumanhin ng natatarantang waiter. Mukhang hindi niya rin alam ang gagawin. “Clean this immediately,” utos ni Zederiko. Tumayo ako. Mas lalo kong nakita ang dumi sa suot ko. Patuloy pa rin sa pagpapahid gamit ng table napkin si Zede sa dress ko. “Are you alright?” tanong ni Zede. I nodded. “She should change,” ani Madam. Lumapit na rin siya. Nagtawag pa siya ng katulong. “May accompany her upstairs.” “Opo, Maam.” Nagdadalawang-isip pa ako pero sa tingin ko kailangan nga. Masyadong halata ang mantsa sa suot ko. “Let’s go,” si Zede na hinawakan na ang baywang ko. “Stay here, Zede. Hayaan mo nang si May ang sumama sa kanya,” pigil ni Madam kay Zede. “But Ma-” I cut him off. “Tama ang mama mo, Zede. Dito ka na lang. Mabilis lang ako.” Nagkatitigan kami ni Zede. I smiled to show him I will be fine. He sighed before nodding. Pinakawalan niya na ako. “Julio help her,” may isa pang inutusan si Madam. “Sure, Madam,” replied the guy with curly and blonde dyed hair. Dalawa silang sumama sa akin papunta sa itaas. Nakasunod lang ako sa kanila hanggang sa makapasok kami sa isang kuwarto. Nakita ko ang tatlong clothes rack na puno ng mga nakasabit na damit. May mga nakahilerang ding mga sapatos na may iba’t-ibang disenyo at kulay. Parang nasa department store lang. May naka-set up pa na lightings sa harap ng tukador na puno ng mga makeup. “Ito bagay sa’yo ‘to.” Inabot sa akin ni Julyo ang isang royal blue plunging neckline long dress. “Uhm… P-puwedeng iba na lang? ‘Yon sanang hindi ganito ka-open.” “Ay, okay lang ‘yan girl. Makinis ka naman. Bagay sa’yo ‘to, trust me.” Napangiwi ako. Tinanggap ko na lang. Nagpalinga-linga ako, naghahanap kung saan ako puwedeng magbihis. “Dun, you can change there.” Tinuro niya ang isang pinto. “Bilis na para ma-ayos na natin ang make up at hair mo.” Kipkip ang pamalit na damit, tinalikuran ko na sila. Binuksan ko ang pinto at pumasok. Bathroom pala ‘to. Napatingin ako sa sarili ko sa salamin. Pati buhok ko natapunan din. Ang damit ko nagmukha ng basahan. Dahan-dahan kong hinubad ang suot kong silver dress at tinupi. Tinabi ko muna ito sa sink. I scanned the royal blue dress. May pearls design ito at makintab ang tela. I put on the dress. It fits me, na para bang ginawa talaga para sa sukat ko. Maganda nga ito pero masyadong mababa ang neckline. Sumisilip na ang dibdib ko. Tinitigan ko ang reflection ko sa salamin. Hindi ko yata kayang humarap sa maraming tao ng ganito ang ayos ko. The dress is beautiful, but I am not confident to wear it. Inikot ko ang knob, pero ayaw bumukas ng pinto. Nakaramdam ako agad ako ng kaba. Inulit ko ang pagpihit sa knob. Hindi naman naka-lock dito sa loob pero ayaw talagang bumukas. I tried knocking pero hindi sila sumasagot. Napahawak na lang ako sa batok ko nang nakailang subok na ako pero, ayaw namang bumukas, wala ring nangyari sa pagkatok ko. Hindi ba nila ako naririnig? O baka iniwan na nila ako? Naiwan ko sa lamesa ang clutch bag ko. Nandoon pa naman ang cellphone ko. Frustration hit me. “Ano na ang gagawin ko?” I am locked up. Kinagat ko ang labi ko. Tears pooled on the side of my eyes. Marahas ko itong pinalis. Naiinis ako dahil napaka-iyakin ko. Posibleng may kinalaman dito si Madam. It’s wrong to think bad against someone, pero wala naman akong ibang maisip na gagawin ‘to sa akin. I mean, bakit naman ako iiwan at i-lo-lock dito nila Julyo? Unless kung inutusan nga silang gawin ‘to. Nang hindi ko na napigilan ang paghikbi, dahan-dahan na lang akong naupo sa sahig. Sinapo ko ang mukha ko. I hate how hopeless and weak I am. “Hahanapin ako ni Zede,” I consoled myself. “Kailangan ko lang maghintay.” In the silence, I can’t help but think of my past. Hindi ito nalalayo sa kalagayan ko ngayon — mag-isa. “Buksan niyo po ‘to! Sorry na po, hindi na po ako uulit.” Patuloy kong kinakatok ang pinto. Halos wala na akong makita sa sobrang dilim, hindi sapat ang kakarampot na ilaw na tumatagos sa maliit na siwang ng pinto at pintuan. “Huwag niyo po akong iwan dito.” Tuloy-tuloy ang pag-agos ng luha ko. Maliban sa mahapdi ang sugat sa palad ko natatakot din ako sa dilim. Ikinulong ako rito ni Tiyo Arsing dahil nabasag ko ang pinabili niyang alak sa tindahan. Siya ang kinakasama ni Tiya Leah. Hindi ko rin tunay na kadugo si Tiya. Ang sabi niya nakita lang ako ni Tiyo Jun, ang dati niyang asawa sa tricycle nito. Napigtas ang luma kong tsinelas kaya nadapa ako at nabitawan ang bote ng alak. Nasugatan din ako ng bubog. Marahas kong pinunasan ang basa kong pisngi. Patuloy pa rin ako sa pagkatok at pagmamakaawa. “Tumahimik ka d’yan, Anselah! Diyan ka lang nang magtanda ka.” “Natatakot na po ako,” hikbi ko. Napaupo na lang ako habang naririnig ang papalayong yabag. Hindi ito ang unang beses na ikinulong ako rito sa tambakan ng mga gamit pang-saka. Lagi akong kinukulong dito tuwing nagkakamali ako. Dati noong buhay pa si Tiyo Jun hindi ako pinagbubuhatan ng kamay nun at pati ni Tiya, pero simula nang mamatay si Tiyo naging mainitin na ang ulo ni Tiya. Laging ako ang napagbubuntungan niya ng galit. Sinapo ko ang luhaang mukha. Nawalan na ako ng pag-asa. Alam kong naririnig ako nila Arlyn at Fe, mga anak ni Tiyo sa una niyang asawa, pero hindi na ako umaasang tutulungan nila ako. Wala si Tiya ngayon dahil tumulong siya sa handaan sa bahay ng kagawad. Kinagat ko ang labi ko. Kumikirot ang sugatan kong palad. Hinipan ko ito habang naluluha pa rin. Ilang sugat na ba ang tiniis ko at hinayaang kusang maghilom dahil wala namang gumagamot? “Anselah, mag-impake ka.” Isang araw, nagising ako dahil sa pagkalampag ni ante sa bangkong hinihigaan ko. Kinusot ko ang mga mata ko. Inaantok pa ako. Maaga akong gumigising araw-araw para magsaing, pero sa tingin ko ay sobrang aga pa talaga. “Bakit po?” “Lahat ng gamit mo isilid mo d’yan sa bag.” Nilapag niya ang isang bulaklaking bag pack sa kama. “Sige na. Bilisan mo diyan.” “Aalis po ba tayo? Saan po tayo pupunta?” “Huwag ng maraming tanong. Kilos na. Pagkatapos mo diyan magbihis ka na rin.” Nalilito man sumunod pa rin ako. Kaunti lang ang damit ko kaya mabilis lang din akong natapos sa pag-iimpake. Nagbihis ako ng kulay pink na tee shirt at kupas na maong. Mga pinaglumaan ito ni Arlyn. Inabot ko naman sa ilalim ng bangko ang sapatos kong bigay ng kapit-bahay namin dahil hindi na kasya sa anak niya. Mabilisan ko lang sinuklay ang buhok ko, at basta na lang pinusod. “Tapos na po ako, Tiya.” “Oh, siya, tara na.” Kumunot ang noo ko. “Tayo lang po ba? Sila Arlyn po?” Hindi niya ako sinagot. Tinalikuran niya ako at lumabas na ng bahay. May bitbit din siyang bag sa kanyang kanang kamay. Hindi maganda ang kutob ko. Kagabi malala ang away nina Tiya at Tiyo. Nagkabasagan pa nga ng mga gamit sa kusina. Sa pagkakarinig ko, nahuli ni Tiya si Tiyo na may ibang babae kaya minsan hindi umuuwi ng isa o dalawang araw. At kapag nandito naman si Tiyo lagi pang nag-iinom. Napabayaan na nga nito ang sinasakang lupa kaya nagagalit na rin ang may-ari ng lupa. Ang manipis kong braso ay halos hirap na buhatin ang bag. Nasa loob ng bag rin kasi ang mga librong bigay noong minsang may mga teacher na nagturo ng libre. Nag-iingay din ito dahil dinala ko ang alkansya kong gawa sa lata. Nasa mga kalahati pa lang laman nito kaya maingay kapag umaalog. “Bilisan mo, Anselah.” “Opo.” Kahit na nahihirapan sinubukan ko pa ring lakihan ang mga hakbang ko. Nilingon ko ang bahay na mga anim na buwan ko ring tinirhan. Nang mamatay kasi si Tiyo Jun, ibenenta ang bahay nila ni Tiya bilang pambayad sa mga dating utang at pampalibing kay Tiyo. Nangupahan kami ng isang taon hanggang sa nakilala ni Tiya si Tiyo Arsing. Lumipat na kami rito pagkatapos. May tricycle nang nag-aabang sa kanto. Agad kaming sumakay ni Tiya. Medyo matagal ang byahe. May kalayuan kasi ang sentro. Pagdating namin, nanibago ako sa dami ng mga sasakyang nakaparada at mga tindahan. Hindi naman kasi ako sinasama ni Tiya kapag namimili siya. Huling punta ko rito iyon pang bago kami lumipat sa bahay ni Tiyo Arsing. “Saan po tayo pupunta, Tiya?” Hindi niya ulit ako sinagot. Malayo ang tingin niya. Nanahimik na lang ako at kinipkip ang dalang bag. Sumakay kami ng jeep. Inabot din siguro nang dalawang oras bago kami bumaba. Akala ko nakarating na kami, pero hindi pa pala. Naglakad muna kami. May kalayuan din kaya pawis na pawis ako at hinihingal pa nang huminto kami sa isang lumang bahay. “Marsha!” tawag ni Tiya. “Sandali!” sagot ng tao sa loob ng bahay. Ilang saglit pa, lumabas ang isang babae. Malusog ang pangangatawan niya kaya medyo nahihirapang maglakad nang mabilis. Pinagbuksan niya kami ng kawayang gate. “Napadalaw ka, Leah?” “May pabor akong hihingin sa’yo,” ani Tiya. “Ano naman? Kung pera, alam mo namang wala rin ako,” natatawang sabi nito. “Iiwan ko muna ‘tong si Anselah sa’yo.” Nagulat ako. Napatingin naman sa akin ang babae. “Ito na ba si Anselah? Ang laki na, ah. Ang gandang bata pa.” Napatitig ako kay Tiya. Seryoso ang kanyang mukha. Kumuyom ang kamay ko. Gusto kong tanungin siya kung tama ba ang pagkakarinig ko sa sinabi niya. “Ilang taon ka na?” Bahagyang yumuko ang babae kahit nahihirapan. “Nine po,” sagot ko, hindi pa rin inaalis ang tingin kay Tiya. Bumaling ang babae kay Tiya. “Wala namang kaso sa akin kung iiwan mo ‘yan dito. Teka, saan ka ba pupunta?” “May aasikasuhin ako sa Maynila,” sagot ni Tiya. Sa Maynila? Hindi ba napakalayo nun? Lagi kong naririnig kay Arlyn at Amethyst ang lugar na ‘yun. Gusto raw nila pumunta roon dahil maraming magagandang pasyalan. Dati noong sa sentro pa kami nakatira nakikita ko rin ‘yun sa telebisyon. “Hala, ilang araw?” “Hindi ko pa alam.” Hindi na ako nakatiis. Hinawakan ko ang dulo ng blusa ni Tiya. Bumaba ang tingin niya sa akin. “Magpakabait ka rito, Anselah. Tumulong ka sa mga gawain. Huwag kang magpapasaway.” “T-tiya…” nanginig ang boses ko. Nagiinit na rin ang sulok ng mga mata ko. “Ikaw na ang bahala sa kanya, Marsha.” Tinanggal ni Tiya ang nakahawak kong kamay sa damit niya. “Huwag niyo po akong iwan,” pakiusap ko. “Saan po kayo pupunta? Sasama po ako.” Sinubukan ko siyang habulin pero hinawakan na ako ng kaibigan ni Tiya at pinapatahan. Kahit anong pagmamakaawa ko hindi ako pinakinggan ni Tiya. Tuloy-tuloy pa rin siya sa paglalakad hanggang sa hindi ko na siya makita. Naiwan ako sa pangangalaga ni Tiya Marsha. Mabait siya at ang kanyang asawa, kasundo ko rin ang anak nilang si Fatima. Hindi siya kagaya nina Arlyn at Amethyst na parang laging galit sa akin. Lumipas ang tatlong buwan hindi pa rin ako binabalikan ni Tiya Leah. Wala rin daw balita si Tiya Marsha sa kanya. Hanggang sa umabot na ng isang taon, hindi pa rin ako binabalikan ni Tiya. Sinasabi rin sa akin ni Tiya Marsha na huwag na akong umasang babalik niya pa ako. Baka raw may pamilya na kung nasaan man siya ngayon. Sa kasamaang palad, nagkaroon ng komplikasyon si Tiya Marsha dahil sa sakit niyang diabetes kaya mas naging mahirap pa ang buhay nila. Hindi na nila ako kayang buhayin at mas lalo naman ang pag-aralin. Dahil dito ibinigay ako sa Tiyahin ng asawa ni Tiya Marsha, si Lola Virgi. Matandang dalaga ito at may puwesto sa palengke na nasa kabilang bayan. Kahit ayokong umalis wala akong magagawa. Pinag-aral ako ni Lola Virgi habang tumutulong naman ako sa kanya sa mga gawaing bahay at sa palengke kapag walang pasok. Sobrang istrikto ni Lola Virgi pero nasanay na rin ako kalaunan. Limang taon ang lumipas pero umaasa pa rin akong babalikan ako ni Tiya Leah. Hindi ko alam ano ang nangyari sa kanya. Nawalan na rin ako ng kumunikasyon kina Tiya Marsha nang lumipat sila ng tirahan kaya mas lalong wala ng pag-asang babalikan pa ako ni Tiya. Nagpapasalamat pa rin ako kahit papaano. Unti-unti ko na ring tinanggap sa sarili ko na ganito ang kapalaran ko dahil wala akong mga magulang. Masaya na rin akong kasama si Lola Virgi. Siya na ang pamilya ko at may kaibigan naman akong si Marikris na kapit-bahay namin. Akala ko ay maroon na akong permanenteng tahanan, pero nang sumunod na taon binawian naman ng buhay si Lola. Kinuha lahat ng mga kamag-anak niya ang mga ari-arian niya. Ang masaklap pa walang gustong tumanggap sa akin. Napilitan akong humanap ng mapapasukang trabaho hanggang sa napadpad ako sa Maynila, sa pagiisip na rin na puwede kong makita ulit si Tiya Leah. Hindi ko alam paano ko naisip yun, pero nakipagsapalaran pa rin ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD