Chapter 16: Present day 16

1178 Words
Victoria's POV "This is our new nurse Victoria Rodriguez. Bago palang siya rito kaya't I expect everyone na ig-guide niyo siya okay?" Tumango lamang ang mga magiging ka co-nurse niya sa kanyang bagong nilipatang ospital. Nakangiti lamang siya sa mga ito. Mukhang mabait naman sila Via. saad niya sa kanyang sarili. "By the way Via I will let Grace to tour you around." saad sakaniya ng kanilang Head. "Okay po Ma'am salamat po." Ang Iba ay nag si alisan na pero siya ay sinamahan ni nurse Grace para Ilibot sa mga floors ng ospital. "Syempre dito ang ER sa 1st floor. ang Floor natin ay sa 3rd Floor, ang Office naman ng mga Doctors natin sa 5th Floor. Ayan ha 'kung may tanong kapa wag kang mahiya. Hayaan na kita mag libot." Nag pa salamat lang siya kay Grace at ngumiti. Pag ka alis nito ay nag libot muna siyang mag-isa. Tahimik pa ang mga corridor dahil bago palang ang ospital. pinuntahan niya ang mga sinabi ni Grace sakanya. Binabati niya ang mga Pasyenteng nakakasalubong niya at ginagantihan naman siya nito ng mga ngiti. Bago siya bumalik sa 3rd floor kung saan sila pwedeng mag pahinga ay naisipan niyang umakyat sa rooftop. Maganda ang tanawin roon. Sakto lamang siya dahil mag sa-sunset na. Napaka ganda ng kalangitan duon sa taas dahil kita mo lahat ng mga kabahayan. Pinikit niya ang kanyang Mata at dinama ang simo'y ng hangin. Sa pag dilat niya ay mayroon nang ngiti ang kanyang labi. ... Bumaba na siya sa 3rd floor para maka usap niya ang iba niyang makaka trabaho. Naabutan niya itong nagkakatuwaan. "Oh, Eto na pala ang bago nating nurse." bungad sakanya ni Grace Nag hello lang siya sa mga ito. Isa-isa Itong nag pakilala sakanya at malugod niya yong tinatanggap at nginingitian. "I'm Jhay wag kang mahiya samin at welcome pala ulit." "Salamat," "Nako, Jhay." Pag tutudyo rito ng isa sa mga makakatrabaho niya. "Ano? nag papakilala lang kayo talaga." sagot nito sa lalaking nag salita kanina "H'wag mo na silang pansinin Victoria ganyan talaga 'yang mga yan masasanay karin." Hindi siya nag komento sa sinabi ni Grace sakanya at ngumiti nalang. Nang maiwan siyang mag-isa roon ay hindi niya maiwasang mag isip at mapatanong sa kanyang sarili. Kamusta na kaya siya? After what I did to him I doubt na kakausapin niya pako. I was so stupid I know. pero anong magagawa ko? Bata pako noon. Kung mag kita man kami I would do everything para mag kaayos ulit kami. kung mag kikita pa. The last thing I know ay Nag-aral siya sa states. tapos non Wala nakong Ibang balita pa sakanya. hindi ko alam kung nakauwi na siya o kung may asawa na ba siya o girlfriend swerte ko nalang kung single pa siya. Iba ang buhay sa states. mas magaganda at mayaman ang mga tao duon. Mas bagay iyon sakanya kesa sa katulad niya. Nalungkot siya bigla sa naisip niya. Pano kung single pa? di mo pa naman alam diba? tsaka ka na mag drama! Bahagya siyang ngumiti dahil duon. Onga naman! pero ayoko na Mag expect dahil matagal nang taon ang lumipas Sigurado siyang marami na ang nag bago kay Nathan. Baka nga hindi na siya kilala nito o baka hindi na niya ko pansinin dahil Mataas na ang narating niya. Matalino siya mayaman hindi imposible na malayo ang marating niya at kung ganun nga ang nangyari tatanggapin ko at magiging masaya ako para sakanya. ... "Painumin niyo pa 'tong si Victoria nakita ko 'to kanina mag-isa ang lalim ng Iniisip mukha pang problemado." Napangiwi nalang siya sa sinabi ng katrabaho niyang si Grace. Naabutan kasi siya nitong malalim ang iniisip. "Hindi naman masyado, si Grace talaga." Depensa niya rito. Pag katapos kasi ng kanilang duty kanina ay nag-aya Itong mag bar daw muna sila. Pang welcome narin daw Ito sakanya. lima lang silang nag kakasiyahan sa sikat na bar na iyon Siya, si Grace, si Mike, si Jas at ang kapatid nitong si Jhay. "Kung pinoproblema mo ang pag lipat mo samin, Wag ka mag alala andiyan si Jhay para sa'yo." Pang-aasar nanaman ni Mike sakanya. kapag ganun ay tinatawanan niya lang Ito. si Mike ang pinaka matanda sakanila at pinaka maloko rin. "Mike tigil-tigilan mo na 'nga tong si Victoria kanina kapa eh." Pag tatanggol sakanya ni Jas. nginitian na lamang niya yon. Malakas ang tug-tog sa bar na Iyon at kahit na ganoon ay hindi iyon masakit sa tenga. Habang lumalalim ang gabi ay padami ng padami ang mga taong nag pupunta duon. "Tara sayaw tayo!" Biglang sabi ni Mike at walang sabi nitong hinila sina Jas at Grace. Tatanggi pa sana ang mga Ito ngunit malakas si Mike at nahila sila nito agad sa dance floor. Naiwan silang dalawa ni Jhay duon at ang awkward ng feeling niya. tahimik lamang siya dahil nahihiya siyang mag salita. "Ah-pasencia kana kay Mike Via ha?" sabi ni Jhay sakanya. "Okay lang naman." "Makulit lang talaga 'yon lalo na pag lasing." Ngumiti lamang siya rito "Uh-gusto mo nabang umuwi?" Biglang palit nito sa topic. "Okay lang naman ako Jhay. kaya ko pa naman tsaka sabay-sabay 'tayong pumunta dito, kaya ganun rin tayo uuwi" Sabi ko nalang sakanya. Hindi rin naman nag tagal at bumalik na sina Grace, Jas at Mike sa table nila. "Mike wag kangang basta hila ng hila ha?" reklamo ni Grace kay mike. "Sus! enjoy na enjoy ka ngang sumayaw duon dahil may kasayaw ka," "Ewan ko sa'yo!" Lahat kami natawa dahil natahimik si Grace sa sinabi ni Mike. Napatahimik lang siya nang makita niyang naka tingin sakanya si Jhay. "Kaya paba guys? Order pa tayo!" malakas na sigaw ni Mike sakanilang lahat. Marami-rami narin ang nainom nila kaya ramdam niyang may tama na siya pero kaya niya pa. May kanya kanya na silang mundo kaya siguro hindi na napansin pa ng Iba na tumabi na sakanya si Jhay. Nag kwentuhan lang sila ni Jhay nag ka tanungan ng tungkol sa isa't isa pero wala nang hihigit pa roon. Hindi pa siya handa sa mga ganong bagay dahil ayaw niya pa. Maaring matagal na ang panahon ang lumipas pero hindi parin siya ganun kadaling maka-move-on. Dahil hanggang ngayon Mahal na Mahal pa rin niya ito. Hindi naging madali para sakanya ang lahat. kung pwede nga lang na Ibalik ang nakaraan ginawa na niya. Itatama niya ang ginawa niya pero things happnes for a reason. Baka tama nga sila.. Na hindi talaga kami para sa Isa't-isa.. It's been ten years and I'm still Inlove with him. baka eto na yung time na kailangan ko nang mag let go.. baka kaya hindi ako maka move-on dahil hanggang ngayon umaasa parin ako.. Umaasa ako na Babalik siya.. na baka pwede pang maging Okay kami. Kahit malabo nang mangyare. Baka eto na yung time para buksan ko na yung puso ko sa Iba.. Kailangan kong subukan kahit na alam kong mahirap. Hindi naman pwedeng habang buhay akong mag Intay sakanya. Kung may balak siyang bumalik sana noon pa! Sana noon kapa bumalik Nathan! sigaw ng kanyang Isipan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD