HALSEY POV Medyo natutulala ako sa sasakyan. Kinakabahan ako, pakiramdam ko ay may sumusunod sa akin kanina sa parking lot at nagtago sa likod ng puno. Si Lloyd kaya yun? Pero hindi niya siguro ito gagawin! May ibang mga students kasi na may sasakyan ding naka park doon. Sanay kasi akong umuwi ng hating gabi, yung tipong wala nang mga students na lumalabas. Inilagay ni Ninong Dave ang kamay niya sa hita ko at natuon ang atensyon ko sa kanya. "Mukhang malalim ang iniisip mo ha? Tungkol ba ito sa hindi pagdalo ng mga ka grupo mo kanina? Ayos lang ito, baka kasi kapag nagalit ka sa gc niyo, hanapan ka nila ng butas at sabihin sayo na bakit ikaw, wala ka kahapon? At isa pa, magagaling na kayong lahat kaya kampanteng kampante na akong kayo pa rin ang magcha champion sa kompetisyon at ikaw a

