HALSEY POV
Hinawakan ko lang si Dave sa pisngit niya at nag nakaw ng mabilis na halik sa labi. Alam kong bawal dito ang landian sa loob ng school namin pero sure akong walang nakakita sa bilis ng mga pangyayari. Nanlaki ang mata niya sa gulat ngunit namula ang pisngi niya sa kilig.
"Bye babe, may dadaanan pa pala ako ha? Ingat ka na lang sa pag uwi. I shall see you later!" nakangiti kong pagpapaalam sa kanya.
"Palagi ka namang nagmamadali babe! Never pa kitang naihatid sa bahay mo eh," nagtatampo niyang sambit.
Kinurot ko pa ang magkabila niyang pisngi, "Hayaan mo na, babawi ako sayo next time so wag ka nang magtampo!"
Tinipid niya lang ang ngiti sa akin. Nagmadali na akong lumabas, panay nga rin ang silip ko sa aking likuran dahil baka mayroon pang sumusunod sa akin. But so far, wala namang ibang tao. Nadatnan ko pa nga si Ninong Dave na naninigarilyo habang nakasandal sa pintuan ng kanyang itim na honda. Nakasando na nga lang siya at abala sa pagseselpon. Medyo nade destruct lang ako kasi may bumabakat sa shorts niyang manipis.
Kahit na halatang pagod si Ninong, he still looks so fresh. At ang sarap pisil pisilin ng muscles niya sa braso. Ewan ko ba, even though ang dami nang mga babae na nahuhumaling sa kanya, wala siyang interes na mag girlfriend. May mga kumakalat pa ngang chismis sa school na bakla raw siya kasi wala pang girlfriend.
Sadyang marami lang talagang mga toxic na tao ang naglilipana sa paligid. Kapag ang lalaki, wala pang naging siyota bading agad, kapag babae ang wala pang boyfriend, sasabihin panget ang ugali. Only in the Philippines lang talaga! He's so hot to be a guy to be a gay!
Basta ako, naniniwala ako na totoong lalaki si Ninong Dave. Sadyang hindi pa lang dumarating yung babae na para sa kanya. Siguro ako na yung pinaka masayang inaanak once it happened. He did not notice me so lumapit na ako at pinisil pisil ko ang muscle niya.
"Oh nanjan ka na pala. I was about to chat you pero dumating ka na lang bigla." Sambit niya ng may pagkagula, amoy ko yung pag spray niya ng pabango sa katawan.
Mahina talaga yung pakiramdam ni Ninong kapag naka focus siya sa ginagawa niya.
I smiled at him, "Sorry, medyo na late ako. Pinag usapan lang po namin ni Lloyd yung tungkol sa exam niya. Alam niyo naman na overthinker siya eh."
Nilagay niya ang cellphone sa bulsa niya.
"Pag usapan na lang natin ang tungkol dito pagdating natin sa bahay. Baka may makakita pa sa atin dito."
Sa tinagal tagal na namin itong ginagawa, ngayon ko lang talaga nakita si Ninong na nabahala. Pero magaling akong magtago kaya natitiyak ko na walang tao na makakakita sa amin. Pinagbuksan na niya ako ng pintuan.
After kong pumasok ay pumasok na rin siya. Sabay pa nga kaming nag seat belt. Naging tahimik lang siya habang nagmamaneho. Nagtataka lang din ako dahil kadalasan ay madaldal siya kapag nasa biyahe kami.
Baka marami lang iniisip? Akala ko kami lang na mga students ang mayroong problema at stress dahil sa mga pinapagawa ng mga professors pero tila sila rin ay may iniindang mga problema. Ayaw kong basagin ang kanyang katahimikan, baka lang may malalim siyang iniisip.
Nakatitig lang ako sa kanya habang naka side view lang ito. Tutok na tutok kasi sa pagmamaneho niya. Kahit pala side view ay pogi pa rin ni Ninong. Ang tangos pa ng ilong niya, hindk nakaka sawang tingnan. Para akong pinagmamaneho ng isang action star sa Hollywood. Ito yung pinangarap ng maraming girls sa campus na ako ang nakakaras.
Suddenly, napangiti na lang siyang bigla.
"Baka naman matunaw ako sa mga titig mo sa akin ha? Dont tell me nagiging crush mo na rin ako!"
Mabilis kong inilis ang tingin ko sa kanya at gumawi ang ulo ko sa kanan. Nakaharap ko pa ang sarili ko sa salamin ng kotse. Namumula ang mga pisngi ko.
Gosh! Bakit ako biglang nag blush sa sinabi sa akin ni Ninong? Kay Lloyd lang ako dapat kiligin kasi siya ang boyfriend ko.
"Si Ninong naman! Oo alam kong gwapo ka pero nakalimutan mo na ba na inaanak mo ako?" Sambit ko, patuloy lang sa pamumula ang pisngi ko.
Ayaw ko pa rin na lumingon sa kanya. Dapat mawala muna ang blush ko before turning around to him.
"Eh ano kung inaanak kita? Hindi mo naman sinagot ang tanong ko eh, hehehe," sambit niyang may bungisngis.
"Wala po Ninong. Ngunit si Jenny po, may gusto yun sa inyo. Panay nga ang ting niya sa inyo ng malagkit kahit kanina. Ilang beses ko na siyang nahuhuling nakating sa inyo. Hindi niyo po ba napapansin?"
Lumingon na ako sa kanya after kong magtanong. Nawala na rin kasi ang kilig sa magkabilang mga pisngi ko.
"Alam ko pero hindi ko trip na pumatol sa estudyante ko. Gust mo ba na matanggal ako sa school natin?"
Kaibigan ko si Jenny pero naku curious lang din ako dahil may plano siyang malupit. After all, this conversation will not reach her ears. Mananatili lang ito sa aming dalawa ni Ninong.
"Pero what if bigla niya po kayong habulin?"
"Anong ibig mong sabihin?" Kunot noo niyang tanong.
"Once po na natapos na ang graduation, baka lang po bigla siyang mag confess sa inyo. Kasi that time ay hindi na siya student ng ating school just like me."
"Ayaw ko pa rin. Turn off sa akin yung babae ang naghahabol."
Hala? Parang wala pa nga talaga siyang plano na magkaroon ng girlfriend. Ang ganda na ni Jenny, bata na tapos may company pa sila. Saksakan ng yaman ang babae na 'yun eh!
"Maiba tayo ng usapan, si Lloyd nga pala, hindi ko pa man nache checkan ang test paper niya ngunit nang tingnan ko ang mga sagot niya sa exam, nakita ko na marami siyang mga mali so he'll mostly fail my subject at hindi maka tuntong pa ng stage sa darating na April."
When I heard this, parang tumigil sa pagtibok ang puso ko.