HALSEY POV Natapos kami sa aming ginagawa at sarap na sarap ako sa ginawa ng boyfriend ko. Nag cuddle pa kami pagkatapos ay hinatid niya ako sa school. Dito ko kasi gustong magpahatid, ayaw ko talagang malaman niya na nasa iisang bubong lang kami ni Ninong nakatira eh. Pag alis niya ay nakatanggap ako ng isang tawag galing kay Ninong Dave. Sinagot ko ito habang nag hihintay ako ng taxi na masasakyan ko. "Nasaan ka? Susunduin kita?" tanong niya kahit na sinabi kong may date kami ng boyfriend ko. "Ah, nasa school po ako, nag aabang na ng taxi," sambit ko pa. "Susundin kita jan, mayroon kasi akong dadaanan sa loob ng school natin na nakalimutan ko. I will be there in less than an hour." Hindi naman ako makatanggi sa kanya kahit na ayaw ko siyang makita. Nakakapang hinayang din kasi ang

