HALSEY POV Bigla na lang umalis si Jenny at lumabas ito. Lumingon ako kay Jen at napabuntong hiningan ng malalim. "Sis, ikaw na ang bahala sa kanya, sundan mo na sa labas. Alam mo namang matampuhing babae siya eh." "Hayaan mo nga siya no!" sambit niya, "Masyado na siyang malaki at kaya na niya ang sarili niya. Hindi na niya kaylangan ng taong magsasabi sa kanya ng tama o mali. She can easily discern that." Gigil pa ang boses niya na tila ay nahihiya rin siya sa ginagawa ni Jenny. "Roy, pasensya ka na, nasira ang party, kasalanan ko ito kasi nag invite pa ako ng ibang mga tao," pag ako ng boyfriend ko kahit na wala naman itong kasalanan. Pakiramdam ko ay ako ang may kasalanan nito pero sinalo niya lang ako. "Ayos lang pare! Normal na siguro na may ganito. Mas masaya nga eh kasi mal

