Matapos ihatid si Tremor at Diana sa airport, ay dumeretso ako sa kompanya ni Hunter para idaan ang mga dokumentong napirmahan niya. Naabutan ko si Mr. Marcy sa opisina niya na kaagad naman akong sinalubong pagkapasok ko, para kunin ang mga dokumento na natitiyak kong naitawag na ni Hunter sa kaniya. Paalis na sana ito, ng bigla ako nitong pigilan. "Don't ever do such things, na makakapagpahirap sa kaniya. As much as possible, help him sa mga gawain." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Bakit pakiramdam ko hindi na lang assistant ang trabaho ko? Bukod sa personal nurse? Ano pa ba ang gusto nilang gawin ko? Maging personal maid niya? Tumango na lang ako at nagpaalam nang aalis. Mabilis lang akong nakarating sa bahay ni Hunter. Tulad nang pagdating ko kahapon ay tahimik at madilim ang buon

