Aeris POV
"Totoo po ba ang fix marriage?" tanong ko sa kanya.
"Opo," aniya.
"Alam mo parang iniisip ko na kinuha lang ako ni papa para sa ganito."
"Uhmm, heto na po ang bag mo."
"Malaki po ba ang Yishin Academy?"
"Naku, Aeris!"
Halata naman na naexcite siya sa tanong ko.
Mabuti nalang at nandiyan siya para turuan ako sa mga bagay dito sa mansion.
"Ang sobrang gara ng campus!"
"Talaga ba na ang papa ko ang may-ari ng Yishin Academy?"
"Oo naman!"
Napabuntong-hininga naman ako.
Dumating naman ang secretary ni papa at kinausap ako.
"Lumabas ka muna," bulong niya kay Alicia.
"Ano po ang pag-uusapan natin?"
"Huwag mo sana masamain," aniya.
"Bakit po?"
"Pinapasabi po kasi ni chairman na kung maari muna ay ilihim muna natin ang identity mo," aniya.
Natahimik naman ako. Mabuti naman siguro 'yun para hindi ako pagbalingan ng ibang students.
"Ayeris Rodriguez pa din ang gagamitin mong pangalan," aniya.
"Okay po."
"Pasensya ka na, younglady," yuko naman niya.
"Okay lang po!"
Aalis na sana siya nang naalala ko ang sinabi ni papa.
Ano kaya ang gagawin ko?
"Tungkol po dun sa fix marriage na sinasabi ng papa ko," ani ko.
"Wala po akong alam, younglady, mas mabuti si chairman mismo ang tanungin niyo."
Napabuntong-hininga nalang ulit ako.
Bumaba na ako at hinatid na nga ako nila sa school.
Hindi ko inexpect na magiging ganito ka laki ang buong campus. Ang sobrang gara pa ng mga students. Nakakamangha!
" Kaya mo 'yan younglady! "
" Shhh! Diba sabi ko sa' yo, Ayi na ang itatawag mo sa'kin?"
"Naku sorry!"
"Aalis na ako, Alicia!"
"Ba-bye Ayi!"
Dito na magsisimula ang bagong yugto ng buhay ko.
Sana magiging masaya at payapa ang buhay ko dito!
Kinuha ko na ang map na nasa bag ko.
Hmm, so dito pala ang building A.
Nabigla naman ako na may umakbay sa'kin.
Aaminin ko na ang pogi niya at ang bango pa. Nakasuot siya ng eye glasses at natatakpan ng bangs niya ang noo niya.
"New student?" tanong niya. Napaatras naman ako kasi hindi ko siya kilala at lalaki kaya siya.
"Uhmm," tango ko.
"Anong grade ka?"
"Grade 10," sabi ko.
Agad naman niya akong hinila.
Waaa! May nababangga na kami.
Halos mamatay naman ako sa hingal nang nakarating na kami sa room ko. Nalaman ko nalang na magkaklase pala kami.
"Dito ka," aniya.
Medyo awkward naman ata dito kasi lahat sila nakatingin sa'min. Okay sana kung nakangiti sila pero ang sasama nang tingin nila lalo na ang mga babae.
"Don't mind them," ngisi niya.
May dumating naman na limang lalaki.
Lumapit sila sa table kung nasaan kami.
Binati naman nila ako kaso may isa akong nakita na dinededma lang ako.
Teka?
Siya 'yung fiance ko di' ba?
Nagkataon naman na magkatabi kami.
"Tsk," aniya.
Naglean naman siya sa table sabay harap sa bintana. Medyo nainis naman ako. Tatayo na sana ako para lumipat nang bigla niyang hinawakan ang kamay ko.
"Dito ka lang kung ayaw mong pagkaguluhan ka ng fans namin," aniya.
"Ha?"
"Loko ka, bakit mo sinama sa table natin ang transferee na 'to?" tanong nung isa.
"Hahaha may pagkakaisahan na naman ang mga fans natin nito!"
"What? Oh my gosh! I am so sorry!" oa niyang sabi sa' kin.
Hindi ko talaga maiwasan na mapangiti sa kanya. Ang pogi kasi niya at kwela.
Nakita ko naman ang ID niya at siya pala si Renzo.
Binitawan naman ako nung mukong.
Ngayon naiintindihan ko na.
Nagmanifest naman ata ako na sana magka peace of mind ako dito pero bakit sinusundan ako nang kamalasan!
Nabaling naman ang atensyon ko sa kabilang table, mga grupo ng mga babae at ang sasama nang tingin nila sa'kin.
Napayuko nalang ako. Naku naman.
"As if naman na magiging special ka," aniya. Nainis naman ako at inirapan siya.
"So why did you transfer here?" tanong ni Renzo.
"Ha? Uhmm."
"Good morning students!" saad ng isang teacher na kakapasok lang mula sa entrance door.
Namangha naman ako kasi ang bata pa ng teacher namin at aaminin ko na may hitsura po siya.
"Oh, hi? May new student pala!" ngiti niya sa'kin sabay kaway. Namula naman ako bigla sa ginawa niya. Napaiwas naman ako.
"Tss," saad ng nasa harap ko.
Napasimangot naman ako.
"Hmm, let's give a round of applause sa bagong student natin!"
Wala naman pumalakpak. Si Renzo ang lapad ng ngiti sa'kin.
"Uhmm? Well anyways let's go back to our lesson."
Pansin kong ang sama nang tingin nila sa'kin.