CHAPTER 5❤ Struggling life

1262 Words
Chapter 5❤ Struggle life My days went rough. I even checked my bank account to see my savings. Halos kaunti na lang natira sa naipon ko sa pag momodel. Kailangan ko na talaga makahanap ng trabaho. Ayoko ko rin bumalik ng bahay ni Daddy lalo lang niya iisipin na hindi ko kayang wala sila. Mommy texted me, always telling me to come back home. I admit that I'm lonely, I miss them both but I have to be strong to show my dad that I'm stronger than him. They cannot manipulate my life just like that. My mom and dad were the fruit of a fixed marriage. Until they realize that they fell in love with each other. So they are thinking maybe it will happen to me. I don't like the idea of marrying someone that you don't love. Gusto ko mahal ko ang lalaking papakasalan ko syempre mahal din niya ako. Lilet ask me kung kamusta na ba ako. Sumagot naman ako sa kanya na ok lang. Nagtatrabaho pala siya ngayon as janitress sa isang hotel. Kaya nagkaroon ako ng pag asa baka makapasok rin ako. So I texted her na tanungin if my vacant pa for janitress. Willing naman ako matuto basta makahanap lang ako ng trabaho. Lahat din na pinag aaplayan ko online hindi nagrereply. So I guess kilala nila si daddy kaya ayaw nila akong accept as their worker. When Lilet replied that there is a vacancy, I quickly asked her to accompany me while applying to the agency. Nagbihis ako kaagad saka hinanap ang mga papeles kong si Lilet mismo ang nag process ng nakaraang araw. Pagka baba ko sumakay kaagad ako ng kotse saka pumunta sa hotel na pinagtatrabahuhan ni Lilet. Sinabi ko kasing susunduin ko siya para samahan niya ako sa agency nila. Express way na ako dumaan para mabilis. Pagdating ko nakita ko si Lilet na nakatayo sa gilid ng hotel. Medyo may kagandahan ang hotel na pinagtatrabahuhan niya. Maganda ang structure nito saka maaliwalas tingnan. Mandaluyong pala nagtatrabaho si Lilet. Medyo may kalayuan pero okey lang. "Good Morning Ma'am, buti ho nakarating na kayo. Na e text ko na po sa manager ng agency ang tungkol sa pag apply niyo." Sabi niya kaagad ng maibaba ko ang bintana ng kotse. "Just get in Lilet, and please stop calling me Ma'am." saad ko sa kanya. Tumango naman ito pumunta sa kabilang side ng kotse saka binuksan para makapasok na siya. Agad ko naman pinaandar ang sasakyan pagka sara niya ng pinto. Nasa Tondo ang lokasyon ng agency nila kaya nakarating kami kaagad. Medyo nag aalangan pang bumaba si Lilet kaya napatingin ako sa kanya. "Lilet what's wrong?" Tanong ko sa kanya. "Eh…. Sigurado po ba kayong mag aaplay kayo?" nag aalangan niyang tanong sa akin. "Yes, as long as magkasama tayo hindi mo naman ako pababayaan 'di ba?" Sabi ko. "Kakausapin ko na lang ang boss mo na sasama ako sa sayo para maturuan mo ako sa mga gawain." Sabay kaming bumaba ng kotse saka ko ito ni lock. Mijares Agency iyon ang pangalan ng agency nila Lilet. Hindi kalakihan hindi rin naman maliit kompara sa ibang agency pero ok naman daw ang pasweldo sabi ni Lilet. Kaya naisip ko na baka ok na rin ako sa ganitong trabaho. Pagpasok namin ay nakita kong marami ang nakaupo sa monoblock chair naghihintay siguro na matawag ang pangalan nila. Kami naman ay pumunta sa unang linya para ipasa ang resume ko saka kami umupo ng monoblock chair. Pupunasan sana ni Lilet ang upuan ko ng pigilan ko ito. Kaya napatinyin ito sa akin na nagtatanong ang mata. "You don't have to do this, we are just equal now." Pagka sabi ko ay agad niyang tinago ang panyo niyang ipupunas sana sa monoblock chair. "Baka kasi madumihan ang damit niyo Ma'am." Sagot niya kaya I gave her a warning look about calling me Ma'am. "Sorry po, nakasanayan ko lang po talagang tawagin kayong Ma'am." Hinging paumanhin niya pa sa akin. Tinawag na ang pangalan ko at sinabing mismo ang manager ng agency ang mag interview sa akin. Atubili akong tumayo at tumingin kay Lilet na nakangiti na sa akin. "Goodluck Ma'am." Sabi niya sabay thumb up sa akin. Tumango ako saka tinahak ang daan kung saan ako tinuro ng babaeng tumawag sa akin. Medyo kinakabahan pero kakayanin naman. Interview lang naman to. Pagpasok ko ay isang babaeng medyo may edad na ang nakita kong nakaupo sa swivel chair katabi ng isang mesa nakasalamin ito at mukhang strikta. "Please sit down, Miss Maserio." Naupo ako sa upuan malapit sa kanya. "I am Regina, I'm the manager here, at ako ang mag i-interview sayo mismo." Tumango ako pahayag niya. "Tate Maserio, thirty years old. Living in Makati." Basa niya sa resume kong hawak niya. "Are you familiar with the Maserio group of companies?" Napatikhim ako sa tanong niya. "I don't know Ma'am," sagot ko sa kanya. Praying that she will buy my answer. Napa ismid siya saka ako tiningnan mula ulo hanggang paa. "Mukhang mayaman ka, saka ang kutis mo mukhang mamahalin. Kaya mo ba ang trabahong ito?" Tanong niya. "As long as…." I paused and I realized hindi ko kailangan mag english kasi janitor ang pinag aplayan ko. "Kaya po basta marangal na trabaho." Sabi ko sabay ngiti sa kanya. Tumango naman ito saka tiningnan ang resume. " Hindi ka pa nakapagtrabaho sa buong buhay mo." Napabuga ako ng hangin saka tumango. "So paano mo gagampanan ang trabaho na itatalaga ko sayo dahil wala ka pang work experience?" "Lahat naman po pwede matutunan, in fact madali naman po akong matuto sa mga bagay." Taas noo akong sumagot sa kanya. Tumango ulit siya saka niya binitawan ang resume ko. "Sige hintayin mo ang resulta tatawagin na lang kita ulit mamaya." Sabi nito kaya napatayo ako ng upuan. Nagpaalam ako dito saka lumabas na. Si Lilet naman ay sinalubong kaagad ako saka inabutan ng bottled water. "Ano pasok ka na po ba?" Tanong ni Lilet. "Hintayin ko na lang daw 'yong result. Tawahin niya daw ako mamaya." kiming sagot ko sa kanya. Umupo kaming dalawa saka tahimik na nakatingin sa ibang aplikante na napatingin din sa amin. Maya maya lang napatayo ang isang ginang saka lumapit sa akin. "Ikaw si Tatiana Maserio 'di ba?" Tanong niya sa akin. Nag aalangan man pero umiling pa rin ako sa kanya. Kaya tiningnan niya ako ng mabuti particularly sa mukha. Good Thing tinawag ulit ako ulit kaya nakaiwas ako sa mapanuring tingin niya. "We cannot accept your application Miss Tatianna." Seryosong saad niya saka binalik sa akin ang resume ko. " We cannot afford to lose our agency Ma'am, sorry." Tanging tango lang ang nasagot ko saka lumabas ng opisina niya. Kinuha ko ang envelope na dala ko saka hinila na si Lilet palabas. "Ano po ang nangyari?" Takang tanong ni Lilet sa akin. "My goddamn father is always middling my decision in life." Nanginginig ako sa galit habang nag iisip ng gagawin sa Daddy ko. "Umasa ako na matatanggap ako but after they know who am I they refuse my application." Niyakap niya ako kaya ako napaiyak. " what am I gonna do now?" Hindi na sumagot si Lilet binitawan niya ako saka hinila sa kotse. Nang kumalma ako ay pumasok na kaming dalawa. Dumeretso ako ng uwi pagkatapos kong ibalik si Lilet sa hotel. "Laban ka lang Ma'am, ha? Hindi tayo binigyan ng problema ng diyos na hindi natin kaya. Kaya laban lang!" Huling sabi ni Lilet nh ihatid ko siya sa pinapasukan niya. I feel empty this time.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD