Tawa ng tawa si Kira habang sabay kaming nagpapalit ng pantulog ilang sandali matapos makapasok sa kwarto n’ya. Naiiling na pinanood ko s’yang lumapit sa pinto ng kwarto n’ya at ini-lock pa ‘yon at saka tumatawang tumalon sa kama. “Hindi naman papasok ‘yong Kuya mo dito. Ano ka ba?” natatawang sabi ko sa kanya. Sunod-sunod na umiling s’ya. “That’s so not like him but we really can’t tell!” sabi n’ya at saka tinitigan ako. “Besides, you even made him come home and stay for good. Ikaw lang pala ang hinihintay para umuwi!” nakangising kantyaw n’ya at kiniliti pa ako kaya umawang ang bibig ko at gumanti ng kantyaw sa kanya. “Eh ikaw? Ikaw lang din pala ang hinihintay ni Damon para tumino sa babae?” nakataas ang kilay na ganti ko. Kinagat n’ya ang ibabang labi at saka nakangising inabot ang

