Kagagaling ko lang sa table nila Kira at agad na umalis kahit ayaw n’ya dahil nakita kong kausap ni Chairman iyong Daddy yata ng ex ni Gelo at mukhang magkasundong magkasundo sila. Hindi ko alam kung bakit bigla bigla na lang akong nakaramdam ng kung anong panliliit sa sarili. Kanina lang ay ang lakas lakas ng loob ko at masayang masaya dahil sa naging pag-uusap namin ni Gelo. Parang panandaliin kong nakalimutan ang reyalidad at ngayong nasa harapan ko na ang totoo ay parang doon lang ako natauhan. Mayaman sila at hindi lang basta mayaman. Sadyang nakakaangat ang pamilya nila sa lipunan at parang sinadya talaga ang araw na ito para makita ko ‘yon mismo sa harapan ko. Panay ang lingon ni Gelo sa gawi ko at palagi n’yang hinahanap ang mga mata ko kaya hindi ko na alam kung ano ang mararam

