“Sabay na kaya tayong maligo–” Napatigil ako sa pagsasalita nang agad na tiningnan ako ng makahulugan ni Gelo. Kahit hindi s’ya nagsasalita ay kitang-kita naman ang pagtutol sa mga mata n’ya. Natatawang umiling ako. “Sige, mauuna na ako doon,” sabi ko at saka tumalikod na para lumabas sa outdoor shower. Nabasa na kasi ako nang dumikit sa kanya kanina kaya gusto ko sanang maligo na rin kasabay n’ya doon pero mukhang ayaw n’ya dahil nahihirapan s’yang magpigil. Kinagat ko ang ibabang labi habang dinadama ang pisngi kong nag-iinit dahil sa nangyari sa amin kanina sa loob ng shower. Hindi ko alam kung kinikilig ba ako sa kanya o ano dahil hindi ko akalain na makakapagpigil s’ya ng gano’n. Noong unang may nangyari sa amin ay isiniksik ko na sa isip ko na lalaki s’ya at mahina sa tukso kaya na

