Talaga ba eh ikaw hindi mo ba ako crush? pabiro nyang sagot dito.
Wala pa po sa isip ko yan senyorito. sagot naman nito na walang kaekspresyon ang mukha,
Habang sa paguusap nila hindi nila namalayan ang pagdating ng mga magulang ng dalaga at nabigla ang mga itong nakita sya na kinakausap ang kanilang anak,
Senyorito Ned bakit po andito kayo may kailangan po ba kayo? tanong ng kanyang ina na halata pang nagulat sa pagkakita nila
Wala po kasi akong magawa sa bahay, kaya gusto ko po sana yayain si Yna mamasyal kung okay lang po sa inyo, ang mahaba nyang lintanya sa mga ito.
Ay opo pwede nman po basta ibalik nyo lang sa amin ng buo si Yna, biro ng Ama ni Yna
Huwag po kayo magalala Mang Epi ibabalik ko po si Yna at kung gusto nyo dagdagan ko pa po na isang Yna,sagot naman nya na my kasamang tawa,..
Biro lang po Mang Epi, hehe gusto ko lang si Yna kasama sa pamamasyal alam ko kasing wala sa kanya ang presensya ko kaya mas comportable akong sya kasama kesa sa iba,
Naku senyorito wala po iyan my tiwala kami sa anak namin di ba Yna anak, sabay baling nito kay Yna,
Opo Tay alam ko naman po iyong gusto nyo, sagot naman ni Yna sa kanyang ama
Oh hala umalis na kayo baka gabihen pa kayo, sa daan,
Umalis na silang dalawa habang sakay sila sa kanya kanyang kabayo habang nasa daan madaming tanong si Ned kay Yna na sinasagot naman ng dalaga
Yna ikaw ang maglead ng daan kung saan ang gusto mong puntahan, ani Ned
Ay bakit ako senyorito eh ikaw nitong nagpasama di ba ikaw ang dapat masunod kung saan tayo pupunta, sagot naman ng dalaga sa kanyang senyorito,
Sige na nga at pinitik na nya ang kanyang kabayo habang tinatahak nila ang loobang bahagi ng kanilang hacienda hindi nya maiwasang lingonin si Yna napahanga sya sa taglay nitong galing mangabayo walang kaarte arte sa katawan napakasimpleng babae nito ito yung gusto nya maganda at simple lang yung tipong hindi sya mahihirapan sa pagpapasunod dito pero ang hindi nya alam ibang Yna ang makilala nya habang si Yna naman napapaisip sya bakit sya ang niyaya ng kanyang senyorito eh madami naman itong pinsan na andoon sa hacienda maraming babae kung gusto nito pero,
Bahala na ani ni Yna sa kanyang sarili, kung my balak man si senyorito sakin ng masama hindi ko sya aatrasan bahala na kung amo ko sya di mapigilan ni Ynang banggitin sa kanyang sarili,
Huwag kang magalala Yna wala akong gagawing masama gusto ko lang magpasama sayo,
nagulat si Yna sa sinabi ng kanyang senyorito tila ba nabasa nito ang iniisip nya,
Di ni Yna namalayan nasa paanan na sila ng burol sya dinala ng kanyang senyorito,
Andito na tayo Yna itali mo na jan yung kabayo mo sa ilalim ng mangga, maganda di ba ito yung gusto kung ipakita sayo Yna,
ani ni Ned sa kanya,
Wow grabe meron pala nitong lugar dito sa hacienda hindi ko man lang ito alam senyorito na my maganda pa palang tambayan dito ani Yna habang tuwang tuwa sa kanyang mga nakikita, kitang kita nya ang buong hacienda sa kanilang location
samantalang si Ned naman ay subrang saya ng kanyang pakiramdam na hindi nya mawari kung anu iyon,
Mukhang nahuhulog na talaga ako dito sa batang to,nagkaroon naman akong mga gf hindi naman ganito pakiramdam ko, ani Ned sa kanyang sarili habang tinatanaw di Yna na napapahanga sa paligid.
Senyorito bakit kaya hindi nyo na lang pagawan dito ng Kubo dito para mas masarap tambayan ninyo,
Oo nga hindi ko naisip yan hayaan mo pagbalik natin dito my kubo na ito sagot nya sa dalaga,
Talaga po pagawan nyo ng Kubo dito ay wow sarap din dito matulog,
Mas masarap matulog kapag katabi ka, pabiro nyang sagot dito, ng ikinapula ng mukha ng dalaga
Naku senyorito palabiro talaga kayo,