Ilang minuto akong tulala. Napapatingin pa ako sa bintana ng kotse ni Zeus. Naguguluhan ako. Hanggang ngayon hindi ko parin maintindihan kung bakit niya ako hinalikan. Nilingon ko siya at tiningnan. Seryoso lang siyang nagmamaneho. Panay din ang kunot ng kanyang noo sabay buntong-hininga. Marahil iniisip niya ang naganap sa amin kanina. Nakakahiya naman kasi ang nangyari sa akin ng dahil kay Jerry. Mas lalo akong nainis sa sarili ko. Gusto ko siyang tanungin kung bakit niya 'yon ginawa. Kung bakit niya ako hinalikan pero wala akong lakas ng loob. I sighed. Sa huli ako pa rin ang sumuko sa katahimikan. "Sorry na Zeus. Dapat hindi na'ko sumama kay Jerry." sabi ko sa kaniya kapagkuwan. Napanguso ako at napayuko na lamang. Alam ko kasing kasalanan ko rin naman. Sinulyapan niya lam

