Hindi rin naman kami nagtagal sa mansion na iyon ni Fausto. Pagkatapos nang ilang saglit ay umuwi rin kami kasama ang mga bata. Sumakay kami sa sasakyan ni Zeus habang kasunod naman namin ang mga pulis na dala nito. Kanina habang nagtatanong sa akin ang mga pulis ay hindi ko maiwasang umiyak na naman. Nakaalalay lang si Zeus sa bawat galaw ko. Alam kong nararamdaman niya na hindi pa ako maayos. Matagal ang naging byahe namin. Nakatulog na nga ang mga bata dahil sa pagod. Habang nagmamaneho ay panay naman ang sulyap ni Zeus sa amin. Alam kong nag-aalala siya sa amin ngunit nag-aalala din ako sa sasabihin ni Aria. Napatingin ako sa kanya nang bigla niyang ihinto ang sasakyan. Lumabas siya at may pinuntahan. Nang makabalik na siya ay may iniabot kaagad siyang supot sa akin. Sup

