Matapos ang gabing iyon, napagpasyahan ng dalawa na magpakasal na sa susunod na buwan kaya nag-umpisa na silang asikasuhin ang mga kakailanganin. Sila mismo ang nag-aasikaso sa lahat ng detalye dahil ayaw nilang mag-hire ng wedding planner. Nakiusap si Niccolo kay Zach na twice a week nalang muna sila sa opisina at iyon ay upang i-oversee lang ang mga projects na handle nila. Pumayag naman ang isa para maisaayos ang kasal ng dalawa. Sinusuportahan naman ng pamilya ni Niccolo ang desisyon niyang lumagay na sa tahimik. Pero napapansin ni Daniella na parang hati ang atensiyon ng binata. Maya’t maya itong may kausap sa telepono. Gaya na lamang kanina nang nag-food tasting sila. Nag-excuse na naman ito para makipag-usap sa telepono. “Sino ba kasi yang lagi mong kausap?” inis na tanong nito

