Pagkatapos naming kumain, iniakyat ko na ang bata sa suite dahil inaantok na daw siya. Bukas nalang daw siya magsu-swimming. Parang umaalingawngaw pa rin sa isip ko ang wish niya kanina kaya lumabas muna ako at nagpahangin sa tabing dagat. Umupo ako sa isang bakanteng kubo at pinanuod lang ang kislap ng bituin na sinasalamin ng dagat. “You’re here!” Napalingon ako sa nagsalita. It’s Christian. Umupo siya sa kabilang side at tumingin din sa dagat. He matured physically. Andun pa rin ang bakas ng pagiging heartthrob niya dati. Minahal ko siya and I’m sure minahal niya rin ako noon pero ano bang nangyari? I smiled bitterly at the thought. Hindi ko dapat iniisip ang mga bagay na to. I should go. Isa rin to sa bilin ni Niccolo, wag kong hayaang magkasarilinan kaming dalawa. Nap

