Daniella’s POV “Why?” Naguguluhan kong tanong. I don’t see any reason kung bakit gusto niyang makilala ang anak ko. He lifted his hand at hinawakan ako sa baba kaya napatitig ako sa kanya. “Because I love you and I want to be a part of your lives.” Seryoso niyang saad. Nag-iwas ako ng tingin. “Baka nabibigla ka lang! You deserve someone better than I am!” Kinabig niya ako at ipinaharap sa kanya. “Believe me, I know what makes me happy. Don’t you think it’s just fair na bigyan mo naman ang sarili mo ng chance para maging masaya?” I didn’t expect na ganito lang kadali sa kanya ang tanggapin ako. “Tanggap mo kahit may anak na ako?” Napangiti siya sa tanong ko. “Wala akong magagawa kundi tanggapin ang mga bagay na nangyari na bago pa man kita nakilala.” Buong sinseridad niyang saad.

