Chapter 38 Morgan’s Pov ILANG araw ko ng hindi nakikita si Nisse at hindi ko din makontak ang phone niya. Naiinis na ako sa batang yun dahil nakapatay ang cellphone niya. Hinahanap ko siya dahil namimiss ko na siya. Gusto ko sanang puntahan siya para makausap kung iniiwasan ba niya ako. Tangina talaga! Parang ako yung naghahabol dahil may nawala sa ‘kin. Nandito ako sa opisina at wala akong nagawang trabaho kahit isa. Panay ang isip ko kay Nisse. Plano ko na talagang pumunta sa eskwelahan kung saan siya nag aaral. Hindi na ako mapakali kakaisip sa kanya kaya kailangan ko siyang makita. Baka makita ako ng mga kaibigan ko sa mental hospital kapag hindi pa ako gumawa ng paraan. Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko sa swivel chair. Naglakad ako papunta sa pinto at agad kong pinihit ang sir

