Chapter 11
Trent Pov
A lot of people started to approach me after the race, and the result is as expected... Hindi ko binibigyang pansin ang mga tao na lumalapit sakin, wala akung ibang ginawa kundi tanguan lang sila not until I saw her.
The girl that I've been looking for since I finish my race "There you are..." I told myself while looking straight at her.
Kinuha na ng Chief mechanic ko ang big bike ko, nag lalakad naman ako papunta sakanya. "Hi ..."
I greeted her, she's still looking at me with emotions on her eyes that I can't even explain.
Bigla siya natauhan ng marealize niyang nasa harapan na niya ko and suddenly she blushed "Cute..." I said just enough for her not to hear what I said.
A smile suddenly forms into her beautiful face, the smile that I've never seen before. An angelic smile that only she can make and affect me this much, my world suddenly stopped when she uttered those words.
"Welcome back My Trent Salvacion, My #1 idol"
This girl, she doesn't even realize how she affects my whole being just seeing her breathing and alive is already my own kind of satisfaction.
I can't help but to admire her even more especially now that she's right in front of me. My hand suddenly moves like I can't even control it anymore, I started caressing her hair and I put the once blocking the side of her face at the back of her ears.
I didn't even mind all of the eyes that are looking at us right now. Cause all I care about is this girl right in front of me.
"Thank you for waiting patiently for me Nina." I told her while still nailing my eyes on her.
Ng mapansin ni Nina na dumadami na ang naka masid samin bigla siya nag iwas ng tingin sakin sabay yuko.
"Hmm wala yun, alam ko naman talaga na babalik ka. Kahit na ang dami ng nag sasabi sakin na wag na daw ako umasa na babalik ka hindi ko sila pinakikinggan. Sabi ko sa sarili ko sayo lang ako maniniwala pag sinabi mo, sinabi mo diba?" sabi niya ng naka yuko pa din sakin that's why I gently lifted her chin up and said...
"That's my girl."
Nina Pov
Hindi na tumigil kakatalon yung puso ko! oh my please don't wake me up if this is just a dream! Masiyado na akung nadadarang sa mga salita at gestures na binibitawan ni Trent sakin simula pa kanina.
I don't even know what to feel anymore, "Totoo ba talaga to bakit parang may laman yung bawat salitang sinasabi niya sakin?" piping bulong ko sa sarili ko.
Naalala ko na kailangan ko pa pala batiin si Gab pero naalala ko bigla yung nangyari samin kanina kaya may naisip ako gawin.
"Uhmm Trent wait lang ha may bibilhin lang ako sa labas." sa pag mamadali ko hindi ko na hinintay pa na sumagot siya, dali dali na ko nag lakad takbo palabas ng parking lot.
Pag dating ko sa parking lot agad kong kinuha yung susi ko na naka sabit lang sa pants ko. Pag open ko ng sasakyan dali dali ko kinuha yung sling bag ko. Naisipan ko kasi bilhan si Gab ng Blue Gatorade na nag papakalma sakanya tuwing pressured siya sa race.
Naalala ko noon na pag binibigyan ko siya nun umaayos yung mood niya, kaya naisipan ko bumili sa grocery sa labas ng race track para ma good mood siya bago ko siya kausapin. Isasabay ko na din bilhan si Trent ng red na Gatorade naman yung sakanya, yan kasi yung palagi ko nakikitang bitbit ng assistant niya na si Kuya Carl tuwing after ng race niya kaya sigurado ako na yun yung gusto niyang iniinom.
Pag dating ko sa mini grocery dito agad ko pinuntahan yung drinks section at napa "Yes! meron!" sabi ko ng makita ko na kompleto ang kulay na Gatorade ang nandito, agad ko kinuha yung 1.5 liter na kulay red at blue na Gatorade at dumiretso na ko sa cashier para mag bayad ng biglang tumunog ang phone ko, pag check ko sa phone "Ate Queen calling..." pinindot ko agad ang answer button pero isang matinis na tili ang sumalubong sakin sa kabilang linya.
"NINA!! WAAAAH!!" impit na tili ng ate ko na sobrang sakit sa tenga.
"Ano ba yan ate! bakit ka ba tumitili!" inis kong sagot sakaniya habang binabayaran na sa cashier yung binili ko na Gatorade.
"OMG GIRL AS IN OMG! LOKA KA DI MO MAN LANG SINABI NA BUMALIK NA PALA SI TRENT MO! HMP!" exaggerated niyang sabi na may himig ng tampo sa dulo. Napabuntong hininga naman ako baka sumagot, gusto kasi ni ate lagi siyang updated sakin. Well, ganun din naman siya sakin very detailed pa nga siya mag update life events niya.
"Ate nasa track kami kanina nagkaroon pa ng konting aberya sa takbo ni Gab at Earl and lastly nasa sasakyan yung phone ko kanina kaya di talaga ko makaka tawag sayo para mag kwento." Pag papaliwanag ko sakanya.
"Oo na! Oo na! pero wait! ano kinausap ka ba? pinansin ka ba? dali kwento ka na!" ayan na nag umpisa na ang interrogation ng ate Queen niyo, napa iling nalang ako.
"Ate diba mag kikita naman tayo mamaya after ko dito? mamaya nalang ako mag ku-kwento para kompleto at tsaka nag mamadali na din ako di pa kami tapos dito." sabi ko sakaniya ng may himig na nag mamadali at sigurado ako na pagka ngayon ako ng kwento sakanya baka hindi kami matapos ng pag-uusap.
"HAY NAKO NINA CRUZ! SIGURADUHIN MO LANG NA MAAYOS AT KOMPLETO ANG KWENTO MO MAMAYA KUNG HINDI KUKURUTIN TALAGA KITA SA SINGIT BABAE KA!" pasigaw at may diin ang bawat pag kaka sabi niya hayy talaga tong ate ko.
"Yes ma'am promise mamaya sasabihin ko sayo lahat, sige na ate I need to go babye love you!" pag lalambing ko sakanya kasi alam ko na iyan ang weakness niya yung lambing ko.
"Tss dinadaan mo nanaman ako sa lambing mo ha! osya sige na mamaya nalang mag ingat ka pag drive mo pauwi ha? wag ka ng kung saan saan pa pumunta pagkatapos niyo jan at remember mamaya ng gabi alis natin okay? love you too baby girl!"
"Noted ate bye!" maikling sagot ko sakanya.
Sinipat ko naman sa phone ko kung anong oras na "12:30pm na pala" kaya nag madali na ko pumasok sa loob ng track.
Pag pasok ko siya namang salubong sakin ni Trent na mukhang papunta sa pwesto ng Van niya, dito lang kasi sa entrance ng race track naka park sa gilid yung Van nila na mukhang artista van sa laki. Agad ko siyang nilapitan para ma-iabot itong Gatorade na ibibigay ko talaga sakanya.
"Trent!" masiglang tawag ko sakaniya na siya namang ikina tingin agad niya sakin.
"Yes Nina? do you need anything?" hayys bakit ba ganito siya bakit sa tuwing kinakausap niya ko para siyang nang lalambing.
Dahan dahan ko naman inabot sakanya yung Red Gatorade na binili ko.
"Eto para sayo, di ko sigurado kung gusto mo ba yan pero nakita ko kasi noon na tuwing pagkatapos mo sa race lagi may bitbit na red gatorade yung assistant mo kaya I assumed na mahilig ka uminom niyan binili ko para sayo" sabi ko sakaniya habang abot tenga na yata yung ngiti ko ngayon sakanya feeling ko kasi pang girlfriend na datingan yung ginawa ko "tama na yan Nina masiyado kang nangangarap ng gising" pag sesermon ko sa isip ko.
Agad naman inabot ni Trent yung red gatorade, as usual hindi ko makita kung ano yung reaction ng mukha niya ngayon kasi naka helmet pa din siya kaya hinintay ko nalang kung ano yung sasabihin niya.
"Is this really for me?" may amusement sa boses niya na hindi ko mawari ewan pero parang sobrang excited ng boses niya dahil sa gatorade na binigay ko favorite niya nga siguro talaga yun.
"Yes para sayo talaga yan" naka ngiti kong sagot sakaniya.
"Thank you so much for this Nina I really appreciate this and I really love drinking this every after race. Actually mag papa bili na nga dapat ako ngayon kay Carl." may himig ng tuwa niya habang sinasabi sakin.
"Yes! one point for Nina! hahaha" impit akong napaka kagat labi para pigilan yung dapat masasabi ko buti nalang nakapag pigil ako.
"Sige na Trent punta muna ako sa paddock namin mag la-lunch na din kasi e. Ikaw mag lunch ka na din ha? see you mamaya!" sabi ko sakaniya habang nag lalakad na papunta sa paddock namin nag kawayan pa kaming dalawa bago ako tuluyang tumalikod.