3rd Person Pov
Nakikita ng team nila Nina na hindi ganoon ka ganda at ka ayos ang takbo at pag mamaneho ni Gab habang nasa loob ng track. Mas tumaas pa lalo ang record ng speed niya pag dating sa 2nd at 3rd lap. Hindi naman naka iwas sa pandinig ni Nina ang usapan ng Chief mechanic at assistant mechanic ng team nila.
"Ano ba ang nangyayari diyan kay Gab? Bakit wala sa ayos yung takbo niya ngayon." sabi ni Gerard ang chief mechanic ng SGK Team.
"Kaya nga kuya parang masiyadong tensiyonado yung galaw niya, baka mamaya mawala siya sa kontrol at sumemplang siya". Segunda naman ng assistant mechanic nila na si Troy.
Hindi naman mapakali si Nina habang minomonitor ang dalawa sa loob ng track, alam niyang practice day lang ang event ngayong araw pero hindi niya mawarian kung bakit ganoon nalang ang pag babago bigla ng galaw ni Gab habang nasa loob ng track.
Tahimik naman na naka masid si Trent kay Nina habang naka dungaw siya sa 2nd floor ng viewing deck. Hindi naka takas sa paningin niya ang hindi mapakali na hitsura ni Nina habang pinapanood ang dalawang ka team nito na umiikot pa din sa loob ng track. Hindi na nag taka si Trent sa hitsura ni Nina, kanina niya pa sinusubaybayan ang takbo at galaw ni Gab sa loob at pansin na pansin niya na isang maling galaw lang ng binata talagang semplang ang a-abutin nito. Bigla naman kinausap ni Trent ang kaniyang assistant na nasa tabi niya lang, na ni-rerecord din ang speed ng dalawa.
"Carl what's their time record." tanong ni Trent sa assistant niya na naka focus sa ginagawa nito.
"Gabrielle's time record Sir is maintaining from 63-65 seconds while Earl's speed Sir is 64-66 seconds per lap. Their target speed is 60 seconds Sir mukhang malabo nilang ma reach ang goal nila base sa takbo nila ngayon." Ilang segundo din na tahimik si Trent bago nag salita ng hindi nililingon ang assistant niya.
"Talk to SGK Team's Head Coach tell him I want to have a practice race with Gabrielle Galvez."
Natigil naman ang assistant niya at nanlaki ang mata, sobra ang gulat niya sa sinabi ng boss niya dahil napaka layo ng difference ng record ng time ni Gab at Trent. Hindi niya lubos maisip kung ano ang pumasok sa isip ng kaniyang boss para bigla nalang mag alok ng practice game sa binata.
"Y-yes Sir, baba po muna ako. Excuse me Sir."
Nag mamadaling bumaba si Carl para puntahan ang SGK Team na nasa loob pa ng track upang masabi ang offer na practice game ng kaniyang boss. Hindi niya mapigilan mapa bulong sa sarili niya habang umiiling "Si Boss Trent ba talaga yun? ni minsan di naman siya nag offer ng practice race kahit kaninong team tapos ngayon out of the blue biglang ganun hayy weird..." ng maka baba siya hinanap niya agad ang Head coach at owner ng SGK Team.
"Good day Sir Tax, pwede po ba kayong makausap?" nag tataka ang tingin ng mga ibang team na naka masid sa assistant ni Trent na kinakausap ngayon and Head coach ng Team nila Gab.
"Ay Ikaw pala Carl, Oo naman sige ano ang atin?" masiglang sagot ni Tax Kay Carl.
"Gusto po sana mag offer ni Boss Trent ng Practice Game kay Mr. Gabrielle Galvez."
Nanlaki ang mata ni Tax sa narinig kay Carl, hindi niya mawari kung bakit bigla nalang nag latag ng offer ang isang Trent Salvacion sa team nila. Sa totoo lang malaking opportunidad para sa team nila na ma-offeran ng practice game lalo na ni minsan hindi niya pa nabalitaan na basta basta nalang mag o-offer ng ganito ang team nila Trent.
"Talaga Carl?! Osige walang problema tinatanggap namin sasabihin ko agad kay Gab." walang ka gatol gatol na sagot ni Tax. Para sakaniya hindi dapat nila palampasin ang pagkakataon na ito kaya agad tinanggap ang offer.
"Okay Sir, sasabihin ko po agad kay Boss Trent. Please be prepared po. They will have a 20mns break then after that mag uumpisa na po ang practice game."
Sa kabilang banda gulat na gulat si Nina sa narinig sa usapan ng dalawa. Hindi niya lubusang maisip na mag-aaya ng practice game si Trent lalo na ni minsan hindi niya pa iyon ginawa sa kahit kaninong team. Katunayan si Trent pa mismo ang palaging ino-offeran ng practice game ng mga ka level niyang senior racer.
Pagkatapos ng usapan ng dalawa tungkol sa practice game, kasunod noon ang pag tapos ng ikot ni Gab at Earl sa loob ng track sinalubong agad ni Tax ang dalawa at diretsahang kinausap ang anak na nag tatanggal na ng helmet. Bakas sa mukha ni Gab na alam na niyang hindi nila na abot ni Earl ang kota nila na oras dahilan ang pag bagsak ng balikat ng buong team nila.
"Gab anak may problema ba?" kabisado na Tax ang bawat kilos ng anak kaya't alam na alam niyang may bumabagabag sa isipan nito kaya ganun nalang ang naging takbo nito sa loob ng track.
"Wala dad, I'm okay babawi nalang po ako mamaya sa second batch" may himig ng lungkot na sagot ni Gab sa ama.
"Kinausap ako ng assistant ni Trent, nag o-offer siya ng practice game sayo kayong dalawa lang."
Nagulat naman si Gab sa binalita ng ama at di pa siya nakaka bawi sa sinabi ng ama ng mag salita pa ito ulit.
"Tinanggap ko na ang offer kaya hindi na tayo pwedeng tumanggi." may halong pag bibiro na sabi ng ama.
"Wala naman po akong balak tumanggi dad"
seryosong sagot naman ni Gab habang tinutulak ang big bike niya pabalik sa paddock nila.
"Aba! dapat lang Gab! Wala sa mga Galvez ang hindi tumatanggap ng hamon" pam palakas ng loob ni Tax sa anak.
"Don't be ridiculous dad, it's just a practice game." sagot ni Gab na naka seryoso pa din ang mukha. Hindi pa din maalis sa isip niya ang eksenang na saksihan kanina, ang biglang pag yakap ni Nina Kay Trent. Dala dala niya iyon hanggang sa loob ng track kaya talagang wala siya sa wisyo at hindi niya magawang mag focus buong pag salang nila ni Earl. Pa ulit ulit nag papakita sa isip niya yung dahan dahang pag lapit ni Nina kay Trent sabay yakap ng dalaga dito. Bigla naman may umakbay sa balikat niya at pag niya si Earl pala ito.
"Don't think about it too much bro, ikaw naman kasi sabi ko sayo mag make move ka na e! Hinintay mo pa bumalik yung ultimate crush s***h idol ni Nina ayan tuloy!" may pang uuyam na sabi sakanya ni Earl. Tinanggal naman niya ang pagkaka akbay sakaniya nito "Pwede ba Earl stop with your nonsense!" pagalit niyang sagot dito. "Gab best friend mo ko bata palang tayo alam na alam na natin ang kilos ng bawat isa hindi mo na kailangan mag lihim sakin." Natahimik naman si Gab at yumuko nalang bago muling mag salita si Earl "Hindi naman kasi kita ma gets tol e nandiyan na sa harapan mo lalo mo pang pinapa layo sayo, okay naman kayo dati ah close nga kayo diba? Di ko alam sayo bakit bigla bigla ka nalang dumistansiya kay Nina after ng Team Building at hindi lang yun binago mo pa Yung treatment mo sakanya. ." iiling iling niyang sabi bago iwan si Gab.
Chapter 09
Nina Pov
Hindi pa din rumi-rehistro sa utak ko na inalok ni Trent mag practice game si Gab. "Ano kaya ang tumatakbo sa isip niya" bulong ko sa sarili habang nag lalakad papunta sa mga bleachers sa gilid ng track para mag pahangin saglit. Hindi ko muna naisip kausapin si Gab tungkol sa naging time niya sa mga laps dahil halata naman sa mukha niya na alam niya yung result sa naging oras niya sa loob. Pagka upo ko sa bleachers iniisip ko kung paano ko mapapa liwanagan si Gab at Earl mamaya tungkol sa naging outcome ng practice run nila. Masiyado lumalalim yung pag-iisip ko ng hindi ko na namamalayan na may tumabi na pala sakin sa bleachers.
Hindi ko na kailangan mag angat ng tingin para malaman kung sino yung taong tumabi sakin. Kulay palang ng race suit na suot niya kilala ko na.
"Uy Trent, anong ginagawa mo dito?" malumanay kong tanong habang naka tingin sakanya na naka upo sa tabi ko.
"I just saw you going here that's why I followed, Is there something wrong? mukha kang malungkot." habang diretso ang mukha niya na naka tingin sa harap ng race track.
"Wala naman, hindi ko lang nagustuhan yung results ng practice run nila Gab kanina hindi naman kasi sila ganun sumakay e ewan ko ba sa dalawa na yun lalo na kay Gab kung anong problema." may himig ng lungkot kong sagot sakaniya
"I see, are you bothered so much about their results?" maikling tanong niya.
"To be honest, Oo ka team ko sila isa din ako sa mga training coach nila. Syempre it affects me every time na ganun yung outcome ng pag sakay nila ibig sabihin lang nun may problema sila na hindi nila sinasabi." sagot ko sakaniya habang nag-iisip pa din kung ano ang dapat ko gawin para mapa-ayos ang pag sakay nila mamaya.
"Don't stress yourself too much about it Nina, after our practice game I'm sure Gab will be back to his senses. And about Earl's time results ask his mechanics to double check the rhythm of his big bike maybe there's a problem with it. I'll go ahead I still need to prepare." Patayo na sana si Trent na may naalala ako itanong sakanya.
"Ahm Trent wait! Gusto ko lang sana itanong sayo kung bakit naisipan mo alukin si Gab mag practice game?" nag aalinlangang tanong ko sakaniya habang naka tingin direkta sakanya.
"No specific reason, ayoko lang makita ka na malungkot that's why I decided to help him a little." hindi ko alam kung tama ba yung narinig ko pero ang ending naka tulala nanaman ako habang tinitignan siya na lumalakad na pabalik sa paddock niya.
"Ha? ano daw? ayaw niya ko makitang malungkot?" usal ko sa sarili ko habang hindi pa din maka paniwala sa narinig kong dahilan ni Trent.