Ryker's POV "Ano'ng nginingiti-ngiti mo diyan, tara na nga dun sa mesa, at napapagalitan ako ng dahil sa'yo!" Masungit na sabi sa'kin ng Yhanie Yummy ko. Tahimik naman ako'ng sumunod sa kanya habang pinipilit na huwag mapangiti. Nagulat na lang ako ng bigla nasa tabi ko na siya kanina nung inaalok ako ng pizza ng babae na nasa kabilang puntod. "Grabe ang possesive mo naman cuz parang nang-aalok lang ng pizza 'yung girl, parang gusto ko pa naman ng pizza!" Bulong ni Harper bago isubo sa bibig niya ang biko. "Bakit ikaw ba 'yung inaalok?" Mataray na sambit naman ni Yhanie habang nasandok ng spaghetti. Halatang bad-mood ang Yhanie Yummy ko. "Ano'ng pizza? Parang may narinig ako'ng nagsabi ng pizza, may baon ba tayong pizza?" Biglang sabat naman ng papa ni Yhanie na nandito na pala sa t

