Ryker's POV Iniwan ko na muna si Yhanie sa room ko after ko siyang mapainom ng gamot para malinisan ang kwarto ng utol kong highblood. Bago ako magsimula ay chineck ko muna ang cellphone ko kung nag-reply ba si Rylan dahil pinapabili ko siya ng gamot pero walang message. Sinimulan ko na agad ang paglilinis kahit kama lang naman niya talaga 'yung totally na nagulo namin dito ni Yhanie Yummy. Tinanggal ko ang bed sheet pati na rin ang pillow case, ang kumot naman niya ay nasa kabila pa dahil nakabalot pa sa katawan ng babe ko, maya ko na lang kunin. Inilagay ko sa laundry basket para madala mamaya sa laundry shop. Inalis ko basyo ng lata ng pinag-inuman kong beer, at pinasadahan na din ng mabilisan pagwawalis ang sahig bago ako maglagay ng panibagong bedsheet at punda sa mga unan niya,

