Ryker's POV "Naku talaga pa ha, yung anak mo, pagsabihan mo yan? Mukhang napadami ata ang inom nilang magpinsan kagabi. Hindi na nga dito natulog kagabi eh tapos hanggang ngayon ay wala pa. Nakakahiya naman dito kay Ryker!" sabi ng mama ni Yhanie, babe habang sineserved niya ang kape na tinimpla niya para sa amin ng asawa niya. Nandito kami ngayon sa dining table dahil gusto na agad tikman ng papa ni Yhanie ang pasalubong kong biko. "Ano ka ba naman ma, hayaan na natin i-enjoy ni Ariane ang kabataan niya, mabait naman na bata ang anak natin, siya na nga lang ang natirang anak natin na kasama natin dito sa bahay." sagot naman ng papa ni Yhanie sa asawa niya. "Aba'y natural na siya ang matira dito dahil siya ang bunso, at tsaka hinahayaan naman natin siya ah, oh tignan mo, hanggang ngayo

