🎵So dance, dance like it's the last, last
Night of your life, life, gon' get you right
'Cause baby, tonight
The DJ got us falling in love again🎵
[DJ Got Us Fallin' In Love, Song by Usher ‧ Playing in the background]
Yhanie's POV
Hindi man dumating si Rylan, at ang kanyang girlfriend ay nagawa naman naming i-enjoy ni Harper ang gabi. We danced to the beat of the music, and we continued drinking.
May mga naka-mingle din kaming mga other guys na inapproach kami habang nasa dance floor, ang iba pa nga ay nagpapaandar pa ng pick-up line na tinatawanan lang namin.
Ang unang lalaking lumapit sa akin ay nakasuot ng puting overall jumpsuit na may pula-pula sa bandang dibdib niya, I don't know kung ano ba ang costume niya, maybe a killer or pwede rin naman crime investigative person or whatever.
Nag-smile siya amin, at nag-smile back din naman kami hanggang sa nasa tapat na namin siya ni Harper na nagsasayaw, and then suddenly he open his mouth to talk to me.
"Baby, somebody better call God." He smilingly said.
Medyo may pagka-agressive si Kuya tinawag na agad ako'ng baby, and since tipsy na ako why don't just play a long, at gusto ko malaman kung ano pa ang ibang sasabihin niya.
"And why?" I answered him.
"Because he’s missing an angel!" sabi niya, and then his eyes wandered sa kabuuan ko.
"Corny!" sabat naman ni Harper.
"Shut up, I'm not talking to you!" sabi naman ng lalaking pumipick-up line sa pinsan ko.
"Aba, gusto ata nitong masapak eh!" sagot naman ni Harper sa lalaki.
"Okay, time to stop dancing." Aniko, at hinila ko na si Harper para bumalik kami sa aming table, at baka ang masayang gabi namin ay mauwi pa sa presinto kapag nagkataon.
Naglalakad na kami ng bigla naman may humarang na isa na namang lalaki sa harapan namin. At heto madaling mahulaan kung ano ang costume niya, napanood ko 'to eh. Nakasuot siya ng overall black jumpsuit na may hood na may red lining sa may zipper area, nakasuot din na black gloves sa magkabilang kamay niya, black din yung boots and then yung color ng sinturon niya ay red, so basically he is a guard sa Squid Games na palabas.
"Hi, Angel, babalik ka na ba sa heaven?" sabi niya na tila ba close kaming dalawa.
"Yeah, kaya pwede ba huwag kang humarang sa dadaanan namin!" sabi ko habang pinapamewangan ko siya.
"Pwede bang sumama so we could get to know each other-"
"Tabi," sambit ko sa malakas na boses kahit nagsasalita pa siya kaya naputol ang iba pa niyang sasabihin at umalis na siya sa harapan namin at naglakad na ko ng mabilis para makaalis na kami sa dance floor na punong puno pa rin ng mga tao.
"Mabenta talaga yang slutty sexy angel costume mo, tignan mo dala-dalawang lalaki ang gustong makipagkilala sa'yo, sayang hindi pumunta si Rylan baka nainlab na 'yun sa'yo, pero hindi rin dahil halata naman patay na patay 'yun sa dyowa niya, tignan mo nga hindi sila sumipot dito, ni hindi ka man lang inabisuhan na hindi pupunta, sadyang kinalimutan ka na niya hahaha!" Mapang-asar na sabi ni Harper pagkaupong-pagkaupo namin.
Kahit kailan napaka-insensitive talaga nito ni Harper, oo thankful ako na lagi niya kong niri-real talk pero this time ay napikon na talaga ako kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Oh, bakit nanlilisik ang mga mata mo diyan, angel ka, hindi ka paniki, tsaka huwag mong sabihin napipikon ka, tanggapin mo na kasi ang nangyari, kasalanan mo rin naman eh!"
"At pano ko naman naging kasalanan?" Hysterical kong tanong, at talagang naiinis na ko sa kanya.
Ang medyo nadodobleng paningin ko ay baka biglang magdilim sa mga pinagsasabi nito ni Harper.
"Kasalanan mo dahil sa tagal niyong magkaibigan eh hindi mo sinabi sa kanya ang totoong nararamdaman mo, masyado kang umasa tapos ngayon kung umakto ka feeling mo inagawan ka, eh kung una pa lang ay nagpakatotoo ka na eh baka sakaling may chance pa na maging kayo!" Ani ni Harper habang with matching pagpoint pa ng finger sa akin.
Ang kanyang mga mata ay halos pikit na hanggang sa tuluyan nga niyang ipinikit ang isa.
Tang-ina! Hindi na nga ako sinipot ni Rylan eh mukhang magiging yaya pa ko ni Harper.
Sasampalin ko sana gawa ng masasakit na sinabi niya kaso mukhang matindi ang pagkalasing niya kasya sa akin pero pwede rin naman pala.
Tinapik-tapik ko ang pisngi niya.
"Harper, harper!" tawag ko sa pangalan niyang habang bahagyang pinagsasampal ko ng mahina ang magkabilang pisngi niya pero hindi siya nagalawa hanggang sa naisipan kong sampalin siya ng malakas.
"Aray ko, putang-ina ano yun!" Napabalikwas siya ng bangon sa gulat.
Oh, eh di yan, gising na gising na siya ngayon.
"Tara na uuwi na tayo, kung ayaw mo maiwan ka mag-isa dito!" Nakangisi kong sabi sabay tayo, makaganti man lang ng konti sa pag-aasar niya sa akin.
Sumunod naman siya sa akin agad, takot din naman pala maiwan.
Nasa loob na kami ng car na binook ko thru app, tulog na si Harper habang ako naman ay busy sa pagse-cellphone, tinitignan ko sa gallery yung mga picture namin ni Rylan. Ang dami namin pictures na kaming dalawa lang na akala mo ay couple talaga kami pero ang totoo hindi naman talaga.
Napaisip ako sa mga sinabi ni Harper kanina, at tama siya may pag-asa siguro na maging kami kung umamin ako kay Rylan, at kung i-reject man niya ako atleast sinubukan ko.
Natigilan, at tila natulala naman ako ng biglang nag-pop ang pangalan ni Rylan sa screen. Natawag siya, and me na being marupok ay hindi na nagpatumpik tumpik pa at agad na sinagot ang tawag niya.
"Hello, bakit hindi ka pumunta?" Agad na sabi ko.
"Uhm kasi... ahmmm..." Tanging narinig kong sagot niya and then parang nadidinig ako na parang may nasinghot or nahikbi, hindi ako masyadong sure kaya inulit ko ang pagsasabi ng "Hello, hello?" at baka nawawalan ng signal.
"Na-nandito pa ko." Bakas sa boses niya ang kalungkutan tapos narinig ko ang muling pagsinghot niya, at parang kinabahan ako sa naiisip ko.
Is he crying?
"Hello, Rylan, anong nangyari?"
"Nakipag-break na sa akin si Melanie, parang hindi ko kaya!" Hagulgol niya.
So, naiyak pala talaga siya, at nakaramdam ako ng pag-aalala.
"Ano'ng nangyari? Okay ka lang ba? Nasaan ka?" Sunod-sunod na tanong ko because I want to make sure na he's okay.
"Nandito sa bahay, and I'm sorry pala kung hindi ko nasagot 'yung mga tawag mo kanina."
"Wala 'yun, tapos ang party kaya huwag mong intindihin 'yun, ihahatid ko lang si Harper tapos didiretcho ako diyan, okay!"
"Huwag na, Yhanie, hindi mo kailangang—"
"Hello, hello?" sabi ko dahil bakit parang biglang nawala, at ng tinignan ko ang screen ng cellphone ko ay na-end na pala ang call, sinubukan ko pa ulit tawagan si Rylan pero ayaw ng mag-ring, is either may problema sa network or na-lowbat siya.
Buti na lang pala na multi-stop ride kami kaya agad kong pinalitan ang address ng second drop-off na supposed to be sa bahay namin ay pinalitan ko ng address ni Rylan.
Nakababa na si Harper, at ngayon nga ay papunta na ko kay Rylan, at naisip ko bigla 'yung mga pinagsasabi sa akin ni Harper kanina. Naging duwag nga ako sa pagtatago ko ng feelings sa kanya noon, at ngayong break na sila ni Melanie heto na ang pagkakataon ko para sabihin sa kanya kung ano ang tunay na nararamdaman ko.
Nakarating na ko sa bahay nilang magkapatid, sana tulog na si Ryker at baka asarin ako nu'n sa costume na suot ko pero bakit ko ba siya iniisip, pumunta ako dito para kay Rylan, at hindi para sa kanya.
Naka-locked na ang pinto pero no problem dahil may spare key ako, ganu'n kami ka-close ni Rylan, at sana mas maging closer pa pagkatapos ng gabing ito dahil nagpasya na ko na ngayong gabi ay ipagtatapat ko na sa kanya kung ano ang nararamdaman ko.
Medyo napadami ang inom namin ni Harper pero kaya ko pa naman, nakarating pa nga ako dito eh, at sasamantalahin ko ang lakas ng loob na meron ako ngayon.
Pagkapasok ko sa loob ay madilim na kabahayan na kabisadong-kabisado ko gawa ng palagi ako'ng tambay dito, nagtuloy-tuloy ako ng lakad hanggang sa matapat ako sa pinto ng kwarto niya.
Nagpakawala muna ako ng malalim na buntong hininga bago dahan-dahan ko iyon binuksan.
Nang mabuksan ko ang pinto ng kwarto niya ay parang naduduwag ako pero nandito na ako, and who knows maybe this is my only chance na ipagtapat sa kanya ang lahat.
Bahala na talaga kung tanggapin niya ang love ko or tatanggihan niya ako.
Kaya kahit madilim, at nagkanda-gewang gewang na ko sa paglalakad ay pinilit ko pa din makalapit sa kanya at umupo sa gilid ng kama niya.
Naramdaman ko naman ang pagbangon ni Rylan, at agad kong tinakpan ang bibig niya. Baka kasi kapag narinig ko ang boses niya ay umatras pa ko, at ayoko ng patagalin pa ito, kailangan na niyang malaman ang totoong nararamdaman ko.
"Shhh....... please don't say anything, hindi ko na kayang itago pa, I have a confession to make: I love you, matagal na kitang mahal." sabay kinabig ko ang batok niya, at siniil ko siya ng halik sa labi.
Hindi ko alam kung bakit bigla ko siyang hinalikan, ang plano ko lang ay ang magtapat pero nadala siguro ako ng bugso ng damdamin kaya nagawa ko ang bagay na ito.
Nagbunyi naman ang damdamin ko ng maramdaman ko ang mainit, at masarap niyang labi na gumanti ng halik sa akin kasabay ng pagyakap niya sa akin kaya buong puso ko din siyang niyakap.
Kung ano man ang mangyari ngayong gabi ay ready na ako, at hinding hindi ako magsisisi.
Nilasap ko ang sarap, at init sa aking pakiramdam habang kami ay naghahalikan, at magkayakap sa dilim.