Christian James Balderama POV
Nasa loob ako ng aking kwarto wearing a three-piece, black suit.
Nakaupo, at naghihintay na lamang ng hudyat kung kailan ako lalabas para pumunta sa simbahan.
Ngayon ang araw ng aking kasal kay Gretchen Delariva. Sinong mag-aakala na mangyayari ang bagay na ito.
Mahigpit na kalaban ni Dad sa pulitika noon ang ama ng mapapangasawa ko.
Kung ano-anong batuhan ng mga baho, at hindi magagandang salita ang maririnig noon sa alitan ng pamilya Balderama at Delariva pero simula sa araw na ito ay tuluyang ng iwawaksi or tutuldukan ang lahat ng 'yon.
Isang kasunduan ang nabuo, at upang mapagtibay ito ay kailangan mangyari ang kasalang ito.
Ang kasal na hindi ko kagustuhan.
Bigla naman bumukas ang pintuan, akmang tatayo na sana ako pero muli akong umupo akala ko pa naman isa sa mga tauhan ni Dad at aalis na pero yung maloko ko lang palang kapatid ang pumasok.
Bihis na din siya, at ready na ang aking Best Man.
Isinarado niya ang pintuan bago lumapit sa akin, at hindi ko gusto ang itsura niya ng pagmumukha niya.
Napakalawak ng kanyang pagkakangiti na tila ba nang-aasar.
"Bakit ganyan ang pagmumukha mo?" Ang sita ko sa kanya, at hindi ako natutuwa.
Mukhang masayang masaya siya gayong ako ang ginawang sakripisyo ng pamilyang ito.
Hindi ko kagustuhan ang lahat ng ito pero kailangan kong gawin.
"May regalo kasi ako sa'yo?" Ang sagot naman niya sa akin.
"At ano namang regalo mo, at nasaan?" Ang tanong ko sa kanya dahil wala naman siyang bitbit na kahit ano.
"Basta surprise, mamaya dun sa may altar mo malalaman." Ang nakangisi pa ding sabi niya.
Kaya tumayo ako, at binatukan ko siya. Ano'ng sinasabi niyang mamaya sa may altar. Kung kailan oras ng seremonya ay tsaka niya ibibigay ang regalo niya kung hindi ba naman siya gago.
Pinagloloko ako nito ni Tope eh, tutupuin ko utak nito eh.
"Aray ko naman, bagay na bagay talaga kayong dalawa pareho kayong mapanakit." Ang reklamo niya habang hawak niya ang kanyang ulo na kinotongan ko.
Lalo naman ako nainis sa sinabi niya.
Ano'ng sinasabi niyang bagay. Pùtang-ina kahit kailan hindi kami magiging bagay ni Gretchen.
Nuknukan ng kaartehan sa katawan ang babaeng yon. Ang kapal kapal na nga ng make-up at napakalandi pa.
Hindi pa man kami naikakasal ay gusto ng mag-honey moon na kami. Panay ang punta niya dito sa bahay, at ang malalala hindi man lang nahihiya, at talagang pinapasok niya ako lagi dito sa loob ng kwarto ko.
Hindi ko naman siya pwedeng pakitaan ng kabastusan kahit ang totoo ay gusto ko na siyang ibitin patiwarik sa kakulitan niya.
Nagdahilan na lamang ako ayaw kong may mangyari sa amin hangga't hindi pa kami naikakasal, at ngayon ko napagtanto na ngayon ang aming kasal.
Tang-ina parang naduduwal ata ako, naiisip ko pa lang kung ano ang mangyayari pagkatapos ng kasal namin ay kinikilabutan na ako.
Ang gago kasi nitong si Tope kung ano-anong pinagsasabi kung pwede ko lang suntukin ang pagmumukha nito ginawa ko na kaso may malaking pagtitipon, at hindi pwedeng mabangasan ang mukha niya lalo pa at siya ang best man ko sa kasal pero may naisip ako pwede ko pa rin naman siyang takutin.
Kinuha ko ang baril ko sa loob ng drawer, at itinutok ko sa kanya.
"Tang-ina Kuya ano'ng trip yan. Ibaba mo yan kapatid mo ko. Are you a Psychopath?" Ang tanong niya, at nag-iba ang kulay ng mukha niya.
Nabura na yung malawak na pagkakangiti niya, at halatang halata ang pamumutla ng mukha niya.
Sige ngayon mo ko asarin.
"A little, at tutuluyan talaga kita kapag hindi mo binawi 'yung sinabi mong bagay kami. Kahit kailan ay hindi ko matatanggap na bagay kami ni Gretchen. Kahit sampung beses pa kong ikasal sa kanya ay hinding hindi ko siya magugustuhan." Ang nakangising demonyong sagot ko sa kanya.
Tumahimik siya pero ilang saglit pa ay tumawa siya ng malakas. Nawala na din ang pamumutla ng mukha niya.
"Sino bang may sabi sa'yo na si Gretchen ang tinutukoy ko. Alam ko naman na hindi mo siya type pero huwag kang mag-alala ako bahala sa'yo mamaya." Ang patawa-tawa niyang sabi.
"Eh kung hindi si Gretchen, sino ang tinutukoy mo?" Ang tanong ko pa sa kanya pero hindi na niya nasagot ang tanong ko dahil may kumatok sa pintuan kaya agad kong isinuksok ang baril sa likuran ng aking pantalon.
Hanggang sa bumukas ang pintuan ng kwarto. Dumating na ang mga tauhan ni Dad, and it's time.
Lumabas na kami ng aking kwarto, at nagtuloy tuloy ng lakad hanggang sa nasa loob na ako ng sasakayan patungong simbahan.
Hiwalay kami ng sasakyan ng kapatid kong si Tope kaya hindi tuloy natapos 'yung usapan namin kanina.
Natatawa na lang ako sa pagka-exagerrated sa security ng kasalang ito, tulad na lang ngayon nasa gitna ako ng dalawang bodyguard.
What for?! Wala naman akong balak tumakas.
Tinaggap ko na ang kapalaran ko. Iniisip ko na lang na ito na siguro ang karma ko.
Karma sa nagawa kong kasalanan sa babaeng minahal ko.
Limang taon na ang nakalipas nung huli ko siyang nakita ng personal, at kahit medyo matagal na ay hindi ko pa rin siya makalimutan.
Halos sabay kaming lumaki, at bata pa lang kami ay gusto ko na siya kaya sobrang saya ng malaman ko na gusto niya rin ako.
Naging girlfriend ko siya dati pero sa sad to say hindi tumagal ang relasyon namin.
Nagkahiwalay kami ng landas gawa ng isang pinsan kong ubod ng sama ang ugali, at sinungaling.
Ang buong akala ni Charlie ay pinagpustahan namin siya. Mula noon ay hindi na kami muli pang nag-usap, hanggang sa nagkasakit, at namatay na ang tatay niya na malapit din sa pamilya namin, lalong lalo na sa akin.
Ilang beses ko siyang tinangkang kausapin noon pero matigas talaga siya para niya kong sinentiyensahan ng pang habang buhay. Ayaw niyang makinig sa paliwanag ko hanggang sa nalaman ko na lamang na nilisan na niya ang bayang ito, at nagpakalayo-layo.
Ginamit ko ang pera, at impluwensiya ng pamilya ko para malaman kung nasaan siya. Hindi na naman ako nagulat ng malaman na nagtatrabaho siya bilang isang secret agent, dahil bata pa lang kami ay tinuturuan na kami ng tatay niya ng basic combat training.
Bago kasi maging negosyante ang tatay niya ay nanilbihan muna ito sa pamilya namin bilang head of security kaya hindi talaga nakakapagtaka na maging ganu'n ang trabaho niya, dahil nanalantay sa dugo niya ang angking galing sa pakikipaglaban.
Habang nasa loob ng sasakyan ay ipinikit ko ang aking mga mata, and then tila ba nag-flash back ako sa nakaraan namin.
Gumigising kami ng madaling araw para sabay kaming magjo-jogging para exercise namin tuwing umaga, at sa pagsapit ng gabi ibang exercise naman ang ginagawa namin.
Hanggang sa naramdaman ko na lamang na may tumapik sa balikat ko kaya napadilat ako.
Nakatigil na pala ang sasakyan, at nasa tapat na kami ng simbahan. Lumabas na ang dalawang security detail na pinagitnaan ako kanina, at sumunod na ako sa kanila.
After kong bumaba ng sasakyan ay tumingala ako para pagmasdan ang simbahan.
Bigla naman may lumapit sa akin na isang tauhan, at bumulong.
"Parating na po si Ma'am, pumuwesto na po kayo sa altar." Ang pag-imporma nito sa akin na parating na ang aking bride.
Tanging tango lamang ang isinagot ko rito. Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong hininga bago naglakad papasok sa simbahan. May sumalubong naman sa akin na babae, siya ata yung wedding coordinator, not sure at wala ako'ng pakielam. May sinasabi siya, at nilagpasan ko lang siya.
Ang dami ng tao sa loob, at lahat sila ay nilagpasan ko ultimo si Dad, naglakad lang ako ng diretcho patungo sa may altar.
Ayoko ng makipagplastikan sa lahat, sapat na siguro ang pagdating ko para masabing tumupad ako sa kasunduang ito.
I just want to go with it, at wala rin naman ako'ng magagawa kung hindi tanggapin ang kapalaran ko.
Habang papalapit ako sa may altar ay nakita ko na ang kapatid ko na sobrang lawak na naman ang pagkakangiti na nakatingin sa akin na akala mo ay siya ang groom, at ako ang kanyang bride na papalapit sa kanya.
Tang-ina, nabubuwisit ako kung pwede ko lang siyang dagukan ay ginawa ko na pero hindi pwede madaming tao, at nasa formal event kami.
Tinabihan ko na siya ng tayo, at kinausap ko siya kahit sa may pintuan naman ako ng simbahan nakatingin.
"Ano na naman ngingisi-ngisi mo diyan? Pasalamat ka madaming tao dito at ligtas ka."
"Masaya lang ako para sa'yo, at huwag ka mag-alala mamaya makikita mo na 'yung gift ko sa'yo." At pagkatapos niyang sabihin 'yun ay hinawakan niya ang braso ko, at pinausog ako ng pwesto.
"Dito ka pumuwesto, yan perfect." Ang sabi pa niya.
Tang-ina talaga nito ni Tope, bibigwasan ko talaga 'to kapag kaming dalawa na lang. Masaya pa talaga siya sa nangyayari sa buhay ko ah. At ano'ng gift na naman. Tinignan ko siya pero wala naman siyang bitbit na kahit ano, tanging sarili lamang niya ang dala niya, puro kalokohan lang talaga ang alam.
Makikita niya kapag ako na ang head of the family ay ipapakasal ko din siya sa isa sa mga pinsan ni Gretchen, at pipili ako ng pinaka-panget para maging asawa niya para maging patas ang kapalaran naming dalawa.
Hindi ko na siya nagawang sagutin pa sa kalokohan niya dahil dumaing na ang aking bride. Hindi naman masyadong halata na nagmamadali ang lahat, dahil parang katatayo ko lang dito ay nagsimula na agad, at sa isang iglap lang ay naglalakad na patungo sa kinaroroonan ko si Gretchen Delariva.
Nakasuot siya ng puting trahe de boda na kumikinang kinang pa, habang hawak niya ang wedding bouquet. Kahit gaano pa kagarbo, at kaganda ang ayos ng babaeng naglalakad papunta sa akin ay mukha pa din ni Charlie ang nasa isipan ko.
Hanggang sa nakalapit na si Gretchen Delariva sa akin. Sobrang lawak ng kanyang pagkakangiti hindi naman halatang na masayang-masaya siya, at ako naman bilang soon to be husband niya ay napilitan ako'ng hawakan ang isang kamay niya para sabay na kaming humarap sa altar, at ng makaharap na kami ay binitawan ko na din agad ang kamay niya.
"Kung sino man ang tumututol sa kasal na ito ay magsalita na o habangbuhay na lamang na panghawakan ang inyong katahimikan." Ang sabi ng pari na nasa harapan namin ngayon.
Nabalot naman ng katahimikan ang kapaligiran, at walang nangahas na sino man para pigilan ang kasalang ito.
"Mabuti naman at walang tumututol. Magsimula na - " Na-interrupt ang pagsasalita ni Father, dahil bigla na lamang kaming nakaramdam ng bahagyang pagyanig sa buong paligid, at sa isang iglap ay gumuho ang sahig na tinatapakan ko.
Natagpuan ko na lamang ang sarili kong nakaupo sa isang madilim na lugar, at naging kulay abo na ang black tuxedo suit ko gawa ng nalaglag ako mula sa itaas.
Hindi naman masyadong masakit, dahil hindi naman masyadong mataas ang pinaghulugan ko.
Napatingala ako gawa ng rinig na rinig ko ang malakas na pagsigaw ng aking bride, at nakita ko ang bilog na butas sa itaas.
Nakakapagtaka naman ang pagguhong nangyari dahil parang sinakto na sa pwesto ko lamang ang gumuho, at tanging ako lamang ang nahulog dito.
"Ano pang inuupo-upo mo diyan, tumayo ka na at umalis na tayo dito." Ang rinig kong boses ng isang babae.
Mula sa pagkakatingala ko ay agad ako'ng napatingin sa gilid ko para kumpirmahin kung siya ba talaga ang nagsalita, dahil kilalang kilala ko ang boses na 'yun.
Fùck! May bumagsak-bagsak pang lupa mula sa taas, at medyo natamaan ang mata ko, hinawi ko pa ang mga 'yun gamit ang palad ko, at muli ko siyang tinignan.
Nanaginip ba ko? Totoo ba ang lahat ng ito.
She's here. My Charlie is here, at siya ang may pakana ng lahat ng ito, at tanging kaming dalawa lang ang nandito ngayon - I think sa basement ng simbahan.
"Oh, my God. He's okay." Ang rinig kong sigaw mula sa itaas kaya muli ako'ng napatingala. Nakasilip si Gretchen sa may butas.
"Ano tatayo ka ba diyan o iiwan kita dito." Ang pagalit na sabi pa ni Charlie, at ng muli ko siyang lingunin ay...
Is she fùcking kidding me?! Tinanong niya pa ko pero nagsimula na siya sa pagtakbo kaya mabilisan ako'ng tumayo para sundan siya.
Hindi ako makakapayag na iwan niya ko dito.