CHAPTER 10

360 Words
Dalhia's POV Matapos namin kumain kanina, umakyat ako at naligo. Kailangan ko pumasok para naman mabawasan yung pagkainip ko. Bumaba na ako at nadatnan ko si christian na nakaupo kaharap kay Elijah. Napatingin ito sa gawi ko, ngumiti lang ako ng tipid. Lumapit ako sakanya saka siya hinalikan sa pisngi. "Aalis na muna ako." Pagpaalam ko. "Saan ka pupunta?" Tanong nito. "DGC Café Main Brunch lang, saka pahiram ako ng car key mo." Ibinigay naman nito yung car key. Tumingin ako kay elijah at nginitian siya. Lumabas na ako at pumunta sa kotse ni christian at nagmaneho papuntang main brunch ng DGC Café Pagkarating ko dumeretso ako sa counter kung nasaan si bella, kapangalan niya talaga yung pamangkin ko sa side ni daddy. I miss her. Makulit na bata kasi iyon, iniwan si bella kay kuya jamiel nung dati niyang asawa para sumama sa iba. Buti na lang okay na sila at okay na sila na wala yung babaeng iyon. "Magandang umaga ma'am dalhia." Nakangiting bati ni bella. Ngumiti din ako sakanya. "Magandang umaga din bella, pakidalhan ako ng chocolate cake at coffee jelly sa office." Sabi ko. "Usual order ma'am." Sabi nito. "Oo." Sabi ko at pumasok sa office ko. Habang may tinitignan ako sa monitor pumasok si bella at ibinigay na nito yung gusto ko. "Thank you bella." Pagpapasalamat ko. "Welcome ma'am dalhia." Sabi nito bago ako iniwan. Kinuha ko yung phone ko at may idinial akong number na napakaimportante. "Hello?" Sabi nito sa kanilang linya. "Hello dominic?" "Dalhia, napatawag ka?" Tanong nito. "Okay na ba yung isang box na laruan?" "Ah. Oo kakatapos ko lang ayusin lahat." Sagot nito. "Pakidala na lang sa Children Org." Sabi ko. "O sige, hintayin na lang kita doon." Sabi nito. "O sige. Salamat." Nakangiting sabi ko bago ibinaba. Kumain na muna ako bago tumayo at kinuha yung bag ko. Lumabas na ako at pinuntahan si bella. "Bella, pupunta muna ako sa Children Org. Babalik din ako mamaya, baka sa office na din ako magstay." Sabi ko. "Osige po ma'am, ingat kayo." Sabi niya. Tumango ako bago sumakay sa sasakyan, sigurado na mawawalan ako ng pagkabagot nito. Hindi ko mapigilan hindi maexcite.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD