Nasa mansion siya ng kanyang mga magulang habang si Adrianna naman ay nasa mansion ng mga magulang nito. Nang ibalita niya sakanyang ina at ama na nagpropose na siya kay Adrianna ay halos matanggal ang kanyang anit sa kakasabunot nito sakanya sa sobrang tuwa. Mas lalo na 'nong sinabi niya nitong buntis rin si Adrianna. Guess what his mother did. Tinuhuran lang naman siya nito sabay sabing congratulations. Pero mabuti na yon kesa naman barilin siya nito. Napasimangot siya habang sisimsim ang kanyang kape nang maalala niya iyon. Mas lalo siyang sumimangot nang maalala si Adrianna. Limang araw niya na itong hindi nakikita! Paano ba naman ay pinagbawalan siya ng mga magulang nito dahil naniniwala ito sa pamahiin na hindi muna dapat makikita ng lalaki ang babae hanggang sa araw ng kanilang

