Nakatulala si Adrianna habang tumitingin sa binata ng kanyang kwarto. Tatlong linggo na ang nagdaan ngunit nasa hospital parin siya hanggang ngayon dahil inoobserbahan pa ng doktor ang nangyari sa kanya. Sabi kasi nito ay may retrograde amnesia siya. Her memories jumped back three years. She can't remember a thing. Ang huli lang niyang naaalala ay nasa probinsya siya kasama sila nanay Mercy at tatay Alejandro. Ni hindi niya alam kung bakit siya narito sa manila at kung bakit siya buntis ngayon. "Anak, kumain ka na." Nilingon niya ang kanyang tatay Alejandro na nakangiti sakanya. Bumaba ang tingin nito sa kanyang tiyan. "Sige ho tay, nagugutom na rin kasi si baby." Nakangiting wika niya rito sabay haplos sa kanyang tiyan. Hindi pa man malinaw sakanya kung bakit siya nagbubuntis ngayon a

