CHAPTER TWO

1255 Words
Malaki ang lumang bahay na iyon sa gitna ng kagubatan, tahimik, misteryoso, at tila may sariling kwento. Pagpasok ni Erica, agad niyang pinagmasdan ang paligid. Kahit luma na ang disenyo, maayos ang pagkakaayos ng mga gamit, may lumang sofa, kahoy na mesa, at mga kurtinang bahagyang kupas. May ilaw naman, ngunit kakaunti lamang ang nakabukas, kaya’t anino ng apoy mula sa lumang lampshade ang nagbibigay ng liwanag sa paligid. Weird, naisip niya. Paano nakakapasok dito ang kuryente, gayong nasa gitna ito ng gubat? Habang iniikot ng kanyang paningin ang buong bahay, pansamantala siyang iniwan ng lalaking hindi pa rin niya alam ang pangalan. Ilang minuto lang ang lumipas, bumalik ito, may hawak ng malinis na tuwalya. “Nanginginig ka,” malamig ngunit may bahid ng pag-aalalang sabi nito. “Tuyuin mo ang sarili mo. Pwede mong gamitin ang kwarto sa dulo, walang gumagamit doon.” Bahagyang tumango si Erica at mahinang nagpasalamat. Pero dahil sa tahimik na paligid, hindi niya napigilan ang sarili. “Ahm… ikaw lang bang mag-isa dito?” tanong niya, pilit na normal ang tono. “Wala ka bang kasamang iba?” Sandaling natahimik ang lalaki, saka siya tiningnan ng diretso seryoso, matalim ang mga mata. “Kailangan ba talagang malaman mo lahat?” malamig nitong sagot. “Hindi ba magpapatila ka lang dito sa bahay ko? I don’t think you need to know everything.” Hindi na nakasagot si Erika. Ngunit bago pa niya maibaling ang tingin, biglang hinubad ng lalaki ang kanyang basang t-shirt, walang pakialam kung nasa harap siya nito. Napalunok si Erica, halos hindi makahinga nang makita ang hubog ng katawan nito. matitigas na braso, malapad na balikat, at mga abs na parang hinulma ng panahon. Oh my God… bulong niya sa sarili, sabay iwas ng tingin, pilit na pinipigil ang mabilis na pagtibok ng puso. Ngunit kahit umiwas siya, ramdam pa rin niya ang presensya ng lalaki, mabigat, mainit, at nakakaapekto. Sa gitna ng malamig na gabing iyon, hindi niya alam kung ano ang mas nakakatakot, ang dilim ng kagubatan, o ang kakaibang init na unti-unting bumabalot sa kanya. “Sige, pupunta na ako sa kwartong sinabi mo,” mahina ngunit mahinahon na sabi ni Erica, habang dahan-dahan siyang tumayo. Ramdam niya ang bigat ng kanyang katawan, parang hinihigop ng pagod at lamig. Nang hawakan niya ang sariling braso, napasinghap siya–mainit. Mukhang nilalagnat ako… bulong niya sa isip. Siguro dahil sa ulan at malakas na hangin na inabot niya kanina. Paglingon niya, nakita niyang nakatingin pa rin sa kanya ang lalaki. “Bakit?” tanong nito, seryoso pa rin ang boses. Pinilit ni Erica ang mahinang ngiti. “May gamot ka ba diyan?” halos pabulong na sabi niya. “Mukhang… nilalagnat yata ako.” Napansin niyang nanginginig na ang kanyang mga labi, at bumibigat ang bawat paghinga niya. Bago pa siya makailag, lumapit ang lalaki, mabilis ngunit maingat. Napatigil si Erica nang maramdaman ang malamig na palad nito sa kanyang pisngi. Sandaling nagtagpo ang kanilang mga mata. “Damn…” mahinang sabi ng lalaki, halos pabulong. “You’re burning up.” Hinawi nito ang ilang hibla ng buhok na dumikit sa kanyang noo. “Inaapoy ka nga ng lagnat,” dagdag pa nito sa mababang tinig, may halong pag-aalala. “Magpunas ka muna. Sa kwarto, may tuwalya at ilang t-shirt na pwede mong pamalit.” Tahimik lang si Erica, bahagyang natigilan sa pagbabago ng ekspresyon ng lalaki. Kanina, malamig ito, parang pader. Pero ngayon, may kakaibang lambing sa mga mata nito, concern, kahit halatang pilit nitong pinapanatili ang distansya. “Salamat…” mahinang sabi ni Erica, halos pabulong habang iniiwas ang tingin. “Don’t thank me yet,” tugon nito, muling umatras nang kaunti, ibinalik ang seryosong tinig. “Just get some rest. You’ll need it.” At nang tuluyan na siyang pumasok sa kwarto, naiwan ang lalaki sa sala tahimik, ngunit hindi maitago sa sarili ang pag-aalalang hindi niya maintindihan para sa babaeng kakakilala lang niya sa gitna ng bagyong gabi. Pagpasok ni Erica sa kwarto, agad niyang isinara ang pinto at napabuntong-hininga. Basang-basa pa rin ang kanyang katawan, kaya’t mabilis niyang hinubad ang suot na damit at ibinalot ang sarili sa tuwalya na ibinigay ng lalaki. Ramdam niya ang init na unti-unting kumakapit sa kanyang balat, habang ang malamig na hangin mula sa labas ay lalong nagpapalala ng ginaw. Napansin niya ang maliit na kama sa gilid ng kwarto, sapat lamang para sa isang tao. Sa ibabaw nito ay nakapatong ang isang t-shirt na halatang pag-aari ng lalaki, malaki at mabango pa sa amoy ng sabon. Kinuha niya iyon at agad na isinuot, umaasang kahit papaano ay mabawasan ang init na nararamdaman. God, I really have a fever… bulong niya habang marahang naupo sa kama. Nangilabot ang kanyang katawan, at bawat galaw ay tila hinihigop ng panghihina. Wala na siyang lakas para ayusin pa ang hinubad na damit; iniwan na lamang niya iyon sa sahig. Pagkatapos ay nakita niya ang kumot sa dulo ng kama. Kaagad niya itong kinuha at ibinalot sa katawan, nanginginig pa rin mula ulo hanggang paa. Please, just let me rest… bulong niya, halos wala nang boses. Ilang saglit pa, biglang bumukas ang pinto. Napaangat siya ng tingin nandoon ang lalaki, tahimik at seryoso, ngunit may bahid ng pag-aalala sa mukha. Dahan-dahan itong lumapit, naupo sa gilid ng kama, at marahang hinawakan ang kanyang pisngi. “Drink this first,” mahinahon nitong sabi, sabay abot ng baso ng tubig at gamot. “It’ll help bring your fever down.” Tiningnan muna ni Erica ang gamot, saka niya iyon ininom ng walang tanong. “Thank you…” mahina niyang sabi, halos hindi na tumitingin. Hindi sumagot ang lalaki. Tahimik lang itong nanatili roon, pinagmamasdan siya habang nakabalot sa kumot. Sa kabila ng distansyang malinaw sa pagitan nila, ramdam ni Erica ang kakaibang init ng presensiya nito, isang uri ng proteksyon hindi niya inaasahang maramdaman mula sa isang estranghero. Ngunit kahit nakainom na ng gamot si Erica, patuloy pa rin ang panginginig ng kanyang katawan. Mula sa gilid ng kama, napansin iyon ng lalaki. Agad siyang lumapit at marahang hinawakan si Erica sa braso. “Hindi mo naman siguro mamasamain kung yayakapin kita?” mahinang sabi nito, halos pabulong, habang nakatitig sa kanya. Natigilan si Erica. Sa gitna ng kanyang panghihina, tumitig siya sa mga mata ng lalaki, may halong kaba at pag-aalinlangan sa kanyang dibdib. Ngunit wala siyang lakas para tumutol. Ilang saglit pa, marahan itong humiga sa tabi niya at dahan-dahang niyakap siya. Mainit ang katawan ng lalaki, ramdam niya iyon kahit sa pagitan ng manipis na damit na suot niya. The warmth of his body slowly seeped through her trembling frame, easing the cold that had wrapped around her. Hindi siya nagsalita. Tahimik lamang siyang nakapikit, naririnig ang mahinang t***k ng puso ng estrangherong iyon na tila nagtataboy sa lamig na bumabalot sa kanya. Ang braso ng lalaki ay mahigpit ngunit banayad, hindi bastos, hindi mapangahas. “Relax,” bulong nito halos kasabay ng paghaplos sa buhok niya. “You’ll feel better soon.” Ramdam ni Erica ang dahan-dahang paghupa ng panginginig ng kanyang katawan. Sa unang pagkakataon mula nang gabing iyon, nakaramdam siya ng bahagyang ginhawa at isang kakaibang kapanatagan na hindi niya maipaliwanag. Sa isip niya, alam niyang dapat siyang kabahan. Hindi niya kilala ang lalaking ito, hindi niya alam kung mapagkakatiwalaan ba ito. Pero sa mga sandaling iyon, ang init ng yakap nito ang tanging nagbibigay sa kanya ng pakiramdam na ligtas siya, kahit sa gitna ng malamig at madilim na kagubatan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD