Natigilan si Erica nang makita niya ang motor na dala ni Casimiro. Alam niyang bago iyon. Hindi niya kailangan ng mahabang tingin para makumpirma, may big bike din kasi ang kuya niyang si Drew, at pareho ang dating. Mahal. Lumabas siya ng bahay at sinalubong si Casimiro. May hawak itong paper bags at ilang plastic na puno ng kung anu-ano, mukhang nag-grocery ng stocks nila. Nakangiti ito habang papalapit, saka inilapag ang mga dala sa tabi. “Where did you go?” hindi niya napigilang itanong. “Bakit hindi ka man lang nagsabi na aalis ka?” Ngumiti si Casimiro. “Pinagawa ko lang yung big bike ko. Para may magamit ako kapag lalabas. Kita mo naman, may mga binili ako. Kailangan natin ito dito sa bahay.” “Matagal na ba ’yang big bike mo?” tanong niya. “Parang ngayon ko lang yata nakita ’yan d

