HABANG LULAN sila sa sasakyan pauwi nang biglang nag-vibrate ang phone ni Casimiro. Tiningnan niya ang screen. Ang abogado niya ang tumatawag.. Saglit siyang natigilan bago sinagot ang tawag. “Hello,” sabi niyang mahina ang boses.. “Casimiro, where are you?” agad na tanong ng abogado sa kabilang linya. Halatang iritado ang boses nito. “Alam mo na may preliminary hearing ngayon.” Natigilan si Casimiro sa pagmamaneho. “Preliminary hearing?” ulit ng abogado. “Ikaw ang nag-file ng kaso laban kina Drew at Thessa. Pero bakit wala ka dito?” Tahimik sandali si Casimiro. Napatingin siya kay Erica na natabi niya, hawak ang bag at halatang hindi alam ang pinag-uusapan. Malalim ang iniisip nito.. “Attorney,” sabi niya nang mas mababa ang boses, “may kailangan akong gawin ngayon.” “More importa

