Saka lamang ako nakahinga nang maluwag noong lumampas sa banda namin ang mga Luna para salubungin ng ama at stepmother ni Hennessy. Hindi na muling bumaling sa banda ko si Agape. Hindi ko tuloy alam kung nakatingin ba talaga siya sa akin o nag-i-imagine lamang ako kanina. There’s no possibility na napansin niya ako hindi ba? Ang daming tao dito at medyo dimmed na ang mga ilaw. Kaya naman, kahit na dinumog na sila ng mga tao, panay pa rin ang sulyap ko sa banda nila. Para akong napapraning na baka bigla na lang ako lapitan ni Agape, kaya kailangan kong bantayan ang kinalalagyan niya sa bawat segundo. Walang kamalay-malay si Hennessy sa kabang nararamdaman ko dahil una sa lahat, hindi naman niya alam na kakaiba ang ugnayan namin ni Agape. He thought we are just friends. Otherwise, hindi n

