Bago tumayo, tumingin uli ako sa mesa nila Morris. Kumunot ang noo ko nang makitang wala na siya roon. Wala na rin ang babaeng kausap niya. Magkasama ba sila? Where did they go? Maybe somewhere private. Sa naisip ay dumaan ang pait sa lalamunan ko. I clenched my fist and stood up. Hindi ko na tiningnan pa ang paligid at dire-diretsong naglakad patungo sa comfort room. I put my purse on the sink as I let out a heavy sigh. Ilang beses akong huminga ng malalim para kalmahin ang sarili. What's wrong, Maddy? Ano naman ngayon kung magkasama sila ng babaeng 'yon? Mas lalo akong nagngitngit. I waited until I calmed down. Nang kahit paano'y kumalma na ay saka ako nagdesisyong lumabas. And the moment I did, I heard Livius' voice. Kakalabas lang niya sa men's comfort room kasama si Carson. He s

